Akkira’s POV
Natapos na ang weekends, grabeeee! Masaya pa naman sana kasi nagsho-shopping kami ni Jean pero, LIBRE niya LAHAT! Feeling HEAVEN!
Pero, weekdays na naman eh, wala akong magagawa. Ang masaklap pa, Monday ngayon at, every Monday, tuturuan kaming mag-swimming, ayoko pa naman mag-swimming kasi takot ako sa tubig, muntik na kasi akong malunod dati……
Oh well, 4th year lang naman ang nagkaka-swimming lesson eh tsaka every 1st Monday of the month lang, 1st year kasi, badminton at tennis, 2nd year football/soccer at golf, 3rd year pingpong at taekwondo, 4th year basketball at swimming.
Nung 1st year ako, both ang sinalihan ko, fave ko kasi yung dalawa eh! Nung 2nd year ako, siyempre no choice, wala nang ibang pagpipilian, nakakainis nga yan kasi babad na babad kami sa init! KAIRITA LANG! Kahit naman mag-golfing ako, ganun parin, still MAINIT eh, nagustuhan ko mag-soccer kasi kasali yung crush ko noon, sayang grumaduate na. Nung 3rd year, taekwondo, pang self-defense, marunong na naman ako mag tennis so, no need para sa pingpong. At ngayong 4th year na, swimming na lang talaga, alangan namang mag-basketball ako, nakaka-HAGGARD!
Para kasi to sa Sports Quest tuwing March, trinain na ang lahat at pwedeng whole students ang mag-join basta, magaling talaga. Alangan namang piliin yung hindi marunong diba?
Sa swimming lesson ngayon, siyempre, nandito ang mga cousins ko, and hindi ko ine-expect na pati pala si Carll.
“Magsu-swimming lesson ka rin?”
“Oo, don’t you know that I’m good in swimming. Tch! Nakasali na ako noon sa International Swimming Contest.”(HAMBOG KA CARLL!)
“Duh!! I’m not asking about that! Tss”
Unang tuturuan ang mga boys pero, ipapa-illustrate muna daw samin ng mga BEST SWIMMERS kung paano daw, as usual kasali nga raw si Carll. OKAY! Siya na ang magaling lumangoy!
Makikita mo mamaya, ako ang pinaka-magaling na swimmer sa lahat!
At nung turn na namin, agad na ako pumwesto. Sabi ni coach, gayahin lang daw ang ginawa nila.
Kasi nga feeler ako na marunong lumangoy, nakisabay ako kina Jean at Qhim na medyo magagaling na rin mag-swimming.
Sa swimming lesson kasi, unang sinasalang yung Best Swimmers, yung nakasali na sa contests at yun sina Carll, next yung mga marunong lumangoy na hindi pa nakakasali sa contests at doon ako nakisali kahit pang pangatlo naman ako, yung mga hindi marunong lumangoy talaga!
Huhuhu! Nakakahiya naman kasi kung doon ako sa pangatlo, tiyak pagtatawanan ako ni Carll. Tsk! Mga payatot at geeks at nerds kasi yung mga pangatlo eh, ako lang ang O.P!
Alam naman nina Jean na di talaga ako marunong lumangoy kaya kinausap nila ako.