Akkira’s POV
Nung uwian na, hindi sumabay sakin si Jean, takot kasi. Tss
Si Qhim naman, ayaw sumabay, ibang klase din yung babaeng yun, akala ko crush niya si Ri- ay! Bawal nga palang i-mention ang name! Hihihi XP
Nakakabigla yung nangyari kanina ah! Ang lahat ay ang tungkol sa issue ni Qhim.
Una, ang walang-awa niyang pagkalad-kaladkad sa babaeng mukha namang malandi.
Pangalawa, ang controversy na may nakakita raw kina Qhim at Blake na mukhang nagde-date sa cafeteria kasi, binilhan siya ni Blake ng chocolate cake?? Tss. Date ba kamo, how cheap! Siguro naman may ibang reason yun kasi kung pipili lang naman ng lugar na pagde-datan si Qhim, eh, sure ako na sa isang mamahaling restaurant, alam niyo pa naman yun, nasa dugo na ang pagiging MAARTE!
Ikatlo, ang pinaka-controversial sa lahat! Ang kiss nila sa harap ng lahat ng students sa school at ang pag-amin ni Blake na GIRLFRIEND niya si Qhim.
IT’S ALL ABOUT QHIM!
Pag-uwi ko, dumapa na ako sa kama at napapa-idlip na ako, pero…
“ARRRGH! Aki, alam mo ba yung ginawa sakin ni Blake?! Shemay! Di ako maka-get over, eh! I need someone to talk to.”
“Tss! Panggulo ka Qhim! Don’t you see?! I wanna sleep. Pagod ako, kay Jean mo nalang yan sabihin.”
“Eh, wala nga si Jean eh.”
“Eh, asan ba kasi yung babaeng yun! Malaki ang utang niya sakin!!”
“Hindi ko alam. Nagpaiwan ata yun sa school, 4:30 pa naman kasi, eh. Tsaka, nabanggit niya din na may kailangan siyang tapusin.”
“I-text mo nga yung MALISYOSANG YUN! P*st*!”
“Ano ba kasi yang problema mo kay Jean, ha?! Is it more badly than mine?”
“Alam mo Qhim, hindi lang kasi ikaw ang may problema, okay?”
“Duh! Malay ko ba! Ano ba kasi yun??”
“Hindi ka ba nakakaintindi ng salitang SECRET?!”
“Sorry, hindi eh. ^_____^”
Tsss. Forever QHIM. -_____________-
Makatulog na nga lang, bahala siya sa life niya!