Chp 32

10 3 0
                                    

Chapter 32

"Salamat david ahh sa pagpasyal sa akin sa resort's niyo "







Lumapit siya sa akin at nginitian niya ako, hinawakan niya yung ulo ko at hinalikan niya yung forehead ko.it reminds me of someone who use to do this to me everyday.







"As what I said, everything for you nicole"








Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti at hinatid ko siya hanggang sa gate ko.at ng makaalis siya dumerestyo ako sa taas sa kwarto ko at binuksan ko ang laptop ko.sakto nakita kong tumatawag si penny sa akin.







"Hi penny!" I said through the screen.








(Hi friend ! How we're you?)







"Ok lang naman ako, medyo lumilikot na yung kambal sa tyan ko at medyo sumasakit na yung balakang ko but david give me some medicines for the painkiller."








(Well that's kinda exhausted for you,but don't you worry you look as fav as ever!hot mama ika nga!)








Nag mode model posing pa siya sa screen.natawa naman ako dun, I really miss her.







"Tumahimik ka nga! Bat ka pala napatawag?"








(Wala lang gusto ko lang sabihin sayo na nadeliver na dito sa pilipinas yung magazine na cinover mo sa MUG at sa Parent'stalk last 2 months. Ang hot mo nga dun friend ey! Parang professional na model ka na talaga! At alam mo ba friend!? Nag top trend yung mga larawan mo sa media! Nakakaloka kang buntis ka! You change the image of a pregnant woman!tinalo mo pa si marian rivera sa sobrang kabog ng mga pictures mo dun!)








Ahh yun pala yung sinasabi ni david sa akin na nakita niya daw ako sa social media, nag trend daw yung mga pictures ko, wala naman talaga akong pakelam dun kase kala ko hindi talaga ipupublish ni david yung mga picture ko sa magazine pero seryoso nga siya binalandra talaga niya yung tyan ko magazine.








"Hahaha wala yun penny, loko kasi yun si david eh kala ko nag loloko siya na ibabalandra niya yung picture ko sa mga magazine niya tinotoo niya pala"








(Hala friend! Pano yan? Edi makikita na ni fafa arghone mo yung mga larawan mo with your huge tummy? Edi malalaman niya na buntis ka talaga!?)








Naisip ko narin yun nung Isang araw, pag kumalat ang mga pictutes ko , hindi malabong malaman ni arghone na buhay pa yung mga babies ko, pero sorry siya dahil hindi ko siya ipapakilala sa mga anak ko na balak niya patayin noon .hinding hindi siya makakalapit sa akin. sa amin ng kamal.







Kundi hindi dahil sa kaniya edi sana napatay ko narin si jet dahil sa papanakit niya sa mga babies ko.naalala ko nga nung nag pa check up ako kay david muntikan na daw ako malaglagan at mawalan ng anak buti nalang thinerapy niya ako unting unting lumakas yung mga kapit ng kambal.salamat sa diyos walang naging deperensiya sa pag bubuntis ko sa sakanila.








"kamusta pala yung pinaayos kong bahay namin jan ng kambal?" pagiiba ko ng topic








(Pumunta ako dun nung isang araw mga 1 year contract nalang daw matatapos na yun, medyo ang arte mo kase girl sa mga furnitures kaya nahirapan silang mag adjust , pero keri boom boom nila yun)








Nagpagawa ako ng mansion para may mauuwi kame ng mga bata kung sa kaling magbakasyon kame sa pilipinas, pero kung hindi talaga dahil sa mga mahahalagang tao na naiwan ko sa pinas hindi talaga ako gagawa ng bahay dun, binenta ko narin yung condo ko dahil masyadong maliit yun para sa kambal.








"Thank you penny, mag papahinga narin ako medyo late na din kase, magpahinga ka narin kaya"








(Hindi pwede girl! May date kame ngayon ng jowa ko! Mauna ka !)








"Haha sige goodnight penny! Enjoy your night with tristan!"







(Night!)








Si tristan yung matagal niya ng manliligaw na kasasagot niya lang nung lsang buwan, sabi ko kase sakaniya wag siyang mag maganda dahil gwapo naman yung manliligaw kaya yun , sinagot agad ng gaga.







Tinabi ko na laptop ko atsaka dumerestyo sa banyo.







~~







"Hey honey!ano yang tinitingnan mo"







I hid the magazine under the table, nag kunwaring nag ttype ako sa laptop ko ngunit huli na nung nakita niya yung mga magazine sa hita ko.








"What is this!? Siya nanaman!? I thought we talk about this phlint!"








"Bakit ba angelica!wala namang masamang tumingin sa GIRLFRIEND ko na pinagbubuntis ang mga anak ko! Don't talk to me like your my girlfriend! "








"First, hindi mo sure kung anak mo talaga ang pinagbubuntis niya at second we know I am not your girlfriend because I'm your WIFE! So mas ako ang may karapatan sayo!"








Hindi ko naman talaga siya gustong pakasalan , kasal lang kame sa batas dahil sa pangangailangan, dahil sa kapabayaan ko muntikan ko ng mawala ang Montero's corp. At ang tanging paraan lang para maisalba ko ang kompaniya ay kung papakasalan ko si angelica kaya no choice nag pakasal nga ako.pero si karmina parin ang mahal ko.wala ng magpapantay dun.








"Shut up angelica! Lumayas ka sa opisina ko!layas!"







"Ok! Ok! Lalabas ako, pero uuwi ka parin sa bahay natin whether you like it or not!"







Pagkasarado niya ng pintuhan hinagis ko lahat ng kalat sa lamesa ko.








"Ughhhhh!!"








Wala ng naging tama simulang nawala sa akin si karmina, napapabayaan ko na ang sarili ko kakaisip sa kaniya, kakaisip kung anak ko ba yung dinadala niya, malinaw na sinabe sa akin ng doctor na nakunan daw siya , pero bakit buntis siya ngayon!? Sino ba talaga ang ama ng dinadala niya.








Simula nung tumakas siya sa hospital nagkanda sira sira na yung buhay ko, pati yung kompaniya napabayaan ko na, wala akong ibang sinisisi kung hindi ako lang, kasalanan ko lahat, kung nag tiwala lang ako sakaniya at hindi ko siya pinagdudahan noon, non of these would happen.








kung pinigilan ko lang pumasok si angelica nun edi sana asawa ko na si karmina.hangang ngayon nasaakin parin ang sing na dapat isusuot ko sa kaniya nung gabing iyon.








Nagbabaka sakaling maisuot ko pa sakaniya ito kahit alam nating malabong mangyari yun.umaasa parin ako, mag kikita kame , at pag nakita ko siya hindi ko na hahayaan na mawala siya sa paningin ko.








Dahil isinumpa ko sa diyos na siya lang! Siya lang ang mamahalin ko kahit ano pa siya!








Si karmina lang ang mamahalin ko ng buong buhay ko.








#karmina's Karma
#Fb:/Apple pelaez16
#Twttr:/Apple.pelaez16
#IG:/Apple Pelaez - ThisIzApple

Karmina's KARMA(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon