Chapter 38
Karmina's Pov
Sino kaya yung lalaki sa panaginip ko? Bakit ganun yung itsura niya? Bakit duguan siya? Bakit parang may masama akong kutob.
"OY! girl? Bat tulaley ka jan? "
bumalik lang ako sa realidad nung naramdaman kong hinawakan ni penny yung balikat ko " hah? Bakit?"
"Ewan ko sayo,lutang ka nanaman..KAKO! Andito na tayo sa mall,ewan ko ba sayo bat kailangan pa natin pumunta dito alam mo namang delikado ka sa publiko "
Hindi ko pinansin yung sinabe niya at kinuha ko yung purse ko,nilagay ko yung vail sa ulo ko at naka sunglasses ako " let's go penny "
Nang makapasok kami sa mall ,pinag titingnan lang kami ng mga tao pero hindi sila lumalapit,yung iba nahahalata nila pero hanggang sa malayo lang sila.kaming dalawa lang ni penny yung magkasama hindi nako nag pasama ng body guards kasi halata masyado.
Gusto ko kasing bumili ng susuotin ko mamaya sa awards night tska iti-treat ko si penny dahil mothers day ngayon,alam ko naman na pwede nalang akong mag pa shoping kay mckelly pero syempre gusto ko may bonding kame nitong bruhang to,kahit gusto ko isama yung kambal,pero hindi pwede eh.
"Try this penny !" Tinulak ko siya sa dressing room kasama yung napili kong damit.alam kong babagay sa kaniya yun dahil maputi naman siya at balingkinita parin ang katawan niya.
Habang nasa loob ng fitting room si penny ,kinuha ko yung phone ko at nag dial .
( madam) sabi sa kabilang linya .
Lumabas ako ng botique at pumunta ako sa hindi mataong lugar " kamusta yung pinapagawa ko?"
(Smooth and easy madam,naka ready na yung mga bata ko,yung cue niyo nalang ang hinihintay)
Sumilip muna ako saglit sa botique kung nakalabas na ba si penny,ng sinigurado kong hindi pa siya nakalabas " Good,Keep your work neat keifer ,ayokong makaamoy siya ng mga balak natin,isecure mo yung place na tatahakin namin,dahil mamayang gabi,nakakaramdam akong may mamatay"
(Areglado Madam! )
"And make sure na pupunta Siya mamaya sa awards night"
Saglit lang at natapos na yung pag uuwap namin,Pagkababa ko ng telepono sakto lang na kakalabas lang ni penny. "You really have a nice taste K! I'll buy this! " magiliw niyang sabi
"Nu-uh penny " pag pipigil ko sa kaniya " ako na bahala sa bayarin , just pick all you want ,ako taya "masaya kong sabi
UMABOT kami ng ilang oras bago kami nag pasyang umuwi ,nag text narin sa akin si mckelly na nasa bahay ko na daw ang mga mag aayos sa akin para sa mamayang awards night.
"Karms" tawag sa akin ni penny habang nasa harapan ng manibela.
"Hmm?"
"Hind ba natin kakamustahin sila claire? "
Claire. Claire was like a mother to me ,simula nung umalis ako sa pinas wala na kong naging contact sa kanila , i felt guilty for not keeping in touch with them. Hanggat maaari kasi ayokong magkaron ng pagitan sa anak niyang walang hiya.
BINABASA MO ANG
Karmina's KARMA(COMPLETE)
RomanceISANG napaka ganda at bright na babae si Karmina nicole,malapit na siyang ikasal sa kaniyang long time boyfriend na si Jet skywort ,ngunit isang trahedya ang nangyari at nagkahiwalay sila ng matagal. may kumupkop sa kaniyang mayaman na matanda namat...