Chapter 3 SLAP AND PUNCH

121 3 0
                                    

THREE(3) Slap and Punch

"Sis, garabe naman siya sayo! PAg yun nakita ko kahit mahal mo yun uupakan ko talaga yun!"

Ang OA ng reaction ni Rizza, oo nga pala nakwento ko na lahat sakanya, as in lahat .! tama pati ang arrange marriage thingy na yun, so what? sa bestfriend ko naman sinabi at hindi sa ibang tao, hindi naman niya yun pagkakalat sa iba eh.

"Hayaan mo nalang siya Rizza, wala na tayong magagawa.Mahal ko siya alam mo yan, kaya ayoko na sayangin ang opportunity na to, malay mo matutunan niya din akong mahalin."

"Baka matutunan nga diba bes? eh kita mo nga yang 'soon-to-be' husband mo ayun oh! nakikipaglampungan sa human version ng BRATZ."

napatingin naman ako sa tinuro ni rizza, at oo nga may babae nga siyang kasama na ang laki ng bunganga at ang labi ang kapal, kaya pala human version ng Bratz eh..

"Grabee bes, kinikiskis na niya yung boobs niya kay Dylan oh! potcha! Nakakadiri ah! hipon naman ! chaka ng face. boobs lang mapagmamalaki niya, pakain ko sakanya yun eh!"  galit na sabi ni rizza.

"Hoy bes! Crush mo ba si Dylan ha? bat parang galit na galit ka jan? diba dapat ako ang nagrereact ng ganyan." Natatawa kong sabi.

"Eh ambagal mo magprocess jan eh. Nauna lang ako mag comment noh!" depensa niya. Nakakaloka talaga siya, kahit kailan.

Napatingin ulit ako sakanila , at nakita kong papalakad sila papunta samin.

"HALA Bes! papunta sila dito oy! anong gagawin natin?" natataranta kong sabi.

"Hoy bes! wag ka ngang assuming na dito sila pupunta, baka dito sila dadaan kasi nakaupo po tayo sa gilid ng hagdan. Dito sa bench oh!"

turo pa niya.

"Ehh kahit na makikita niya ko! anong gagawin ko.?"

taranta padin ako.

"Edi dedma, hello? sabi niya nga diba .. umakto ka na di mo siya kilala, so tratuhin mo siya na wala kang pakielam.Relax ka lang jan" cool niyang sabi.

Alam mo yung nasa Panic stage na ko samantalang siya, ayun! prenting nakaupo.

"Rizza naman eh! tingin mo ba makakapag relax lang ako dito? palit kaya tayo ng pwesto ano?"

Bigla naman siyang tumayo at tinulak ako sa kinauupuan ko.

"HOY! BAT MO KO TINULAK HA?" reklamo ko.

"HOY KA DIN! Ang sabi mo palit tayo ng pwesto diba? ginawa ko lang noh!"

"ANAK NG! MY GOODNESS RIZZA! ANG GANDA MO ANG SEXY MO TAPOS ANG SLOW MO?"

"EXCUSE ME? hindi ako SLOW,tama bang sabihan mo ng ganyang word ang isang tulad ko? tsaka isa pa wag mo nga kong sigawan, wala ko sa bukidnon oy!" reklamo niya.

"hindi kita sinisigawan,kung di mo naman ako tinulak edi hindi magagalit ang mga ugat sa leeg ko!"

depensa ko naman.

"Oh edi umamin ka ring sinisigawan mo ko ,eto pala eh!"

"HINDI NGA KITA SINI----

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi naman may humintong dalawang tao sa gilid kung san kami nakapwesto.

"My God! wala ba kayong manners? sabagay muka naman kayong walang pinag aralan eh.Pwede dun nalang kayo sa labas ng school magkalat? nakakahiya naman kasi sainyo."

Sabi ng isang boses na alam naming babae, napatingin naman kami ni Rizza sa nagsalita.Tama si human version nga ni Bratz toh! kasama niya pa si Dylan ah! kuntodo palupot siya. Sagwanin ko kaya muka neto? tss.

"AHEM!! kami ba ang kausap mo ha?" ang gaga sa muka pa talaga ni bratz nag AHEM, muka mapapa away pa kami ng di oras.

"Oh my Gosh ! Yuck! bat sa muka ko.ikaw umubo ha? kadiri!! " arte artehan naman to di bagay sakanya..

"Excuse me human version ni Bratz, mabango pa ang hininga ko sa hininga mo! kaya wag kang mag inarte jan oy! di bagay sa fes mo oh!" pang aasar ni Rizza.

"What the hell? sa ganda kong toh? pano namang hindi babagay sakin ang mag inarte. Baka jan sa kasama mo ang hindi bagay." turo niya sakin sabay ismid.

"Hoy babaeng Linta na malaki ang bunganga at makapal ang labi, wag mo kong idadamay jan , nanahimik ako dito baka mabigti kita ng buhay jan. Tsaka isa pa wag mo ganong ibuka yang bibig mo alam mo na baka mahigop kaming lahat dito eh, mahirap na baka maging isolated bigla tong school natin." asar ko sakanya.

*PAK

Napahawak ako sa kanang pisngi ko.

"OMG BES!! , HOY IKAW BRATZ! Bat mo sinampal yung bestfriend ko? gusto mo sagwanin ko yang muka mo kaliwat kanan ha?" pananakot ni Rizza.

You want a fight? Bibigay ko sayong.hilig mo babae ka! Ang kapal ng mukha mong sampalin ako! Never in my life na may naglanding na palad sa mukha ko..

"Alam mo ba wala pang nakakasampal sakin, ikaw palang ang unang una." relax kong sabi.

"Oh really? thats nice ! you know.what? you deserve my slap Bitch!"

Lalong nagpantig ang tenga ko, ayoko sa lahat e yung sinasabihan ako ng mga salitang masakit sa tenga..

"Talaga? ang sweet mo naman, Salamat ha?!"

Nginitian ko lang siya sabay.

*BOGSH

"OMG BES!" reaksyon ni Rizza.

" Ouch! My face oh God! why did you punch me? ikaw palang ang nakakasuntok sakin alam mo ba yon??" maktol niya habang sapo niya ang muka niya.

"Oh really? thats nice! You know what you deserve my Punch , slut bitch!".

Bigla namang umiyak si Bratz! ano siya ngayon? pasalamat siya mahina lang ginawa ko sakanya. Iiyak iyak siya ngayon.. Wala pa tong babaeng to eh..

******

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon