TWENTY EIGHT (28)
Ereene's POV :
Kasalukuyan akong nagdadrive pauwi sa bahay namin. Gabi na rin pala, tatlong subjects kasi yung inexam namin. Nakakatuyo nga ng utak eh. Buti nagawa ko pang
mag-aral sa kabila ng mga nangyayari samin ni Dylan.
Masakit parin sa loob ko na kahit magkasama kami sa loob ng iisang bahay, na malapit kami sa isa't-isa. Na abot kamay ko na siya pero pinaparamdam pa rin niyang napakalayo niya . Sa loob ng isang buwan naming kasal naramdaman ko na ang WORST FEELING. I become a stranger to my special someone. Ang sakit na mabalewala ka ng taong pinapahalagan mo ng sobra.
Ayoko namang magsumbong kay Mommy, dahil ayoko na silang
mag-alala pa sakin. Feeling ko kasi kailangan ko ng isang magulang ngayon. Nang isang nanay na makakaintindi ng sakit na nararamdaman ko. Pero hindi nalang siguro, gusto ko nalang isipin nila na masaya kami ni Dylan sa piling ng bawat isa..
Napabuntong hininga nalang ako. Bakit ba ganito? Bakit ba ganito ang nangyayari samin?
Sa sobrang pag-iisip ko napatingin ako sa bintana ng kotse ko at may nahagip ang mga mata ko.
Parang nakita ko si Sean na naglalakad sa pavement ng kalsada. Siya ba yun? Ang bilis ko kasi magpatakbo eh. Ayy! Baka hindi siya, alam ko nag-uusap na yung dalawang iyon eh. Baka namalikmata lang ako. Kasama na yun ni Rizza.
Masaya ako para kay Rizza, nakatagpo siya ng lalaking alam kung aalagaan siya. Kapag nakikita ko kasi si Sean, nakikitang kong sincere ang pagmamahal niya kay Rizza. At somepoint naiinggit ako sa Bestfriend ko, dahil mahal din siya ng taong mahal niya. Samantalang ako? Hayun... Laging tini-take for granted ng taong mahal ko.
Napapailing nalang ako. Hayaan mo Ereene, darating din ang panahon na mamahalin ka niya katulad ng pagmamahal mo sakanya..
Nilamon na naman ako ng pag-iisip ko nandito na pala ko sa may subdivision namin.
Binilisan ko na ang pagdadrive para makarating agad sa bahay. Magluluto pa ko ng hapunan namin ni Dylan. Sana nakauwi na siya. Mali pala, sana umuwi na siya.
Nakarating naman agad ako sa may gate ng bahay namin. At sobra akong napangiti ng makita ko ang kotse ni Dylan na nakaparada sa may garahe. UMUWI SIYA!!!
Agad kong pinarada ang sasakyan ko sa tabi ng kotse niya. Napatingin ako sa loob ng bahay. Nagtaka ko dahil nakapatay ang mga ilaw. Tumingala ako para makita kung may bukas na ilaw sa taas.
Nakita kong may sindi ng ilaw sa kwarto ni Dylan. No doubt andito na nga siya. Himala? Ang aga niyang umuwi ah.
Sa kabila ng pagiging masaya ko dahil maaga siyang umuwi. Sinimulan naman akong kabahan pagkatapak na pagkatapak ko sa loob ng bahay. Sobrang tahimik sa ibaba ng bahay namin.
Bakit parang binabalot ng kaba ang buong pagkatao ko.?
Hindi ko na lamang inisip yun pero habang papaakyat ako sa taas, mas lumala ang kaba ko. Lalo na ng mapatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Dylan..
Haaayyy!! Paranoid na naman ako. Mapuntahan na nga lang si Dylan para masabihan na magluluto ako ng dinner namin. Kahit alam kong pwede niyang tanggihan at hindi niya pansinin ang pag-aya ko sakanya. Susubukan ko padin. Malay niyo naman this time kainin na niya yung luto ko diba??
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomansaAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...