EIGHT (8) Batang Weird
A/N: Hello Guys :)
Oo nga pala wala nga palang magiging POV si Papa D ha?
More on Ereene and other character. Basta tsaka niyo nalang malalaman kung bakit . Sa ngayon magbasa nalang po ulit tayo.
SORRY SA TYPOS :)
-----
CLASS DISMISS
Ayown! Sa wakas uwian na. Ang sakit sa ulo nung BLAW (Business Law) kadugo sa utak. Letsugas yung mga article etching.
"Punyaterang Subject yan. Pahirap masyado , makapag-dropped na nga!" narinig kong sabi ni Christine habang nag-aayos kami ng gamit.
Halos magkakatabi lang din kasi kami eh.
"Gaga! Magdadropped ka edi wala ka ng masisilayan na gwapong professor. Bilang na nga lang sa daliri mga gwapong prof dito eh." Kinikilig na sabi ni Jok, nagtwitwinkle pa ang mga mata. Hahaha! No doubt gwapo talaga si Sir E. Isa siya sa mga pinaka gwapong prof dito sa DPA.
"Malantod ka talagang bakla ka! Kung di lang gwapo si sir nauna ka pang magdropped kay Christine. Gagu!" sabat naman ni Rochelle
"Ahahaha.. Says who? Baka ikaw pa ang mauna samin no! Gagu ka din. Times two pa." ganti ni Jok! kaloka oh alam niyo na bat kami ganto ni Rizza? Nahawa lang po kami. Haha!!
"Muka kayong baliw.! Sabay-sabay nalang kayong mag-dropped mga ulikbang toh!" Natatawang sabi ni Rizza.
Natawa nalang din kami. Haha! Ang gaan ng Feeling ko mga teh! Sarap magtatalon habang may background na fireworks oh!!
(insert wagas na ngiti)
*POK
"Aray bes! bat ka naman nambabatok jan? Masakit ah!" reklamo ko. Pano ba naman biglang nambabatok.
"Panong di kita babatukan? Eh muka kang timang jan. Nangingiti mag-isa? Yung totoo bes? May tama ka na?" Seryoso niyang sabi. -____-
"Eh kung ikaw kaya Tamaan ko jan? Bawal maging happy bes?" natatawa kong sabi.
"Wala po akong sinabi noh! Nako tara na nga't umuwi. Inaantok ako! Siesta time pa naman ngayon."
Yaya niya sakin habang naghihikab pa.
"Ay bes! una ka na umuwi, pupunta pa kong library eh. Alam mo na may pinapagawa si Sir E satin diba?"
"Hanoboyon! Ang hirap magka bestfriend ng masipag. Sige na nga alone akong uuwi ngayon, dapat na pala ko masanay kasi later on kayo na ni Dylan your loves mo ang uuwi ng sabay ,pagkasal na kayo."
"Ssshhh! Bes quiet baka may makarinig sayo." pigil ko. Tae naman toh.
Pero sige kinilig ako dun. Imaginine mo? sabay kami uuwi tas siya pa magbibitbit ng mga gamit ko.. At magtatalo kami sa pagbitbit ng bag ko.. Kyaaahhh! >////<
"So kelangan magsarili ng mundo at kelangan talaga mamula ang muka? Baduy mo bes.!" pang-aasar niya.
"Tse! umuwi ka na nga! Inggit ka lang eh."
"Owsss?? Baka nga.. Hahaha! Bago pa kita mapaiyak jan. Lalayas na ko. Pakopya nalang ha? Babuy!"
Kiniss na niya ko sa Cheeks and ayun. Lumayas na nga.
Nauna na nga siya , at ako? Gogora na sa library.
Anong oras na ba? Tumingin ako sa wristwatch ko. 4:04 pm na pala
Parang ang daming nangyari ngayong araw na to ah?
Napabuntong hininga nalang ako. Ang sakit sa sentido gorobo!!
Habang naglalakad papuntang library enjoy ako sa pagbati ng mga tao. Ang GANDA ko bat ba?
Todo lakad ako ng may humarang sa daan ko na estudyante. Lalake siya. Mukang 1st yr lang siya.
"Kayo ba si Ereene Alcantara?" Napanganga nalang ako. Waw ah! di naman siya galit niyan?
"Ha? Who you ba? Tsaka di ka naman baliw no?" tanong ko
Nakakagulat naman kasi tong isang toh.
"I'm Robie, so ikaw ba si Ereene?"
"Kung ako bakit?" tanong ko.
Gwapo siya to tell you, what do you expect marami niyan sa campus namin. Nagkalat po para sa kaaalaman niyo.
"Wala lang, aayain lang kita makipag date sakin." Cool na sabi niya.
"Hahahaha! joke ba yun bata?" loko to ah! kala mo ang tangkad eh. Payatot na nga maliit pa.
"Anong bata? 17 na ko noh! tsaka ikaw na nga inaaya ko eh. Ayaw mo pa? Choosy pa?" sagot niya.
"Bata yung totoo? alam ba yan ng nanay mo ha? Nako! tabi ka na nga jan , may pupuntahan pa ko." sabi ko sakanya. Tinalikuran ko na siya
"OY! TAO KA BA?" sigaw niya, nak ng tinapa! kelangan sumigaw.. Nakakuha tuloy siya ng pansin. And now nakatingin na sila sakin.
"OY SABIHIN MO BAKIT!" sigaw niya ulit.. Argghh! ano ba tong batang to?
"diba si Ereene yun?"
"Oo nga no? sino yung lalake? Bf niya? hala child abuse."
"Ayiee.. ang pogi ni kuya. Ang liit lang."
"Oy pre si Robie yun ah? bat naligaw dito yan? kabilang building yan ah?"
"malay ko pre, baka pinopormahan si Ereene? tangna pre! naunahan tayo."
Yan lang naman ang mga naririnig ko. Di ko padin siya nililingon.
"OY! SABIHIN MO NA KASI BAKIT!" parang maiiyak na siya.
" ate sabihin mo na kasi bakit."
"oo nga, ang sweet kaya ni kuya."
Punyeterang mga chismosa toh!
Nilingon ko siya ng may masamang tingin.
"BAKIT BA KASI?" sigaw ko. Napipika na po ko sakanya.
"NANINIGURADO LANG KASI AKALA KO DIYOSA KA" sigaw niya.
"ayiiiiiieeeee"
"haneep sa banat!"
"Yun oh!!"
Kelangan may side comment?
lumapit sakin yung lalake.
"Date tayo?" walang anu-ano niyang tanong. -______-
I wear my sweetest smile.
"Patangkad ka muna" At tada! walk out. Manigas siya jan. Lokong yun.
Napaka weird niya swear!!
Bata bata pa kala ko mas matanda na sakin.
Hohohoho!! Tumakbo na ko.
Napahinga ko ng di na siya humabol sakin.
Ang ganda ko kasi masyado eh! Yan tuloy!!.. Charooot!!
******
Next Chappie na po :)
VOTE.COMMENT.
Norns^^
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...