TWENTY SEVEN (27)
A/N : Guys, salamat sa patuloy na pagbabasa nito :)
Sorry nga pala sa spacing ah.
Nagagaya ko toh sa isa kong story. Ayusin ko na ulit yung spacing. Hope you understand.
Palighten up muna natin yung story. Ibang POV muna :))
EnjoyXD
--------------
Rizza's POV :
Oha! Salamat naman at may POV na rin ako :))
Kakatapos lang ng klase namin. At gabi na po mga kapatid dahil ang dilim na sa labas. Oo nga pala, kilala niyo na ba ko??? Ako lang naman ang dakilang BESTFRIEND ng dakilang MARTIR sa storyang ito.
I'm RIZZA CATHERINE DELA CRUZ. Ka apelido ko ang Boyfriend ko pero di ko kamag-anak yung hayop na yun! Kaya kapag kinasal kami ang buong pangalan ko na ay RIZZA CATHERINE DELA CRUZ DELA CRUZ. Astig diba??
Aniways, wag muna natin
pag-usapan yun dahil GALIT ako sakanya. Malandi siyang lalake.
Naturingang may Girlfriend na kumikire pa sa iba. Jusko! ><
"Bes? Kamusta yung exam sayo? Tingin mo papasa ka?" out of the blue kung magtanong tong si Ereene, palabas na kasi kami ng room at papunta na sa car park.
"Anong tingin mo sakin? BOBO para di makapasa dun?" mataray kong tanong. Palagay niya? Di ako papasa sa puchu puchung exam na yun?
"Ha? Huy wala akong sinabi na ganun. Kasi sabi mo kanina di ka naman nagreview eh, tas kanina inaya kita mag review bago mag exam umayaw ka." depensa niya.
"Tsss.. Alam mo Bes, sa panahon ngayon hindi na mahalaga kung nag-aral ko o hindi. Mahalaga ngayon. MADISKARTE KA!" sagot ko naman sakanya sabay akbay.
"Bakit? Anong ginawa mo? Anong diskarte yan?" tanong niya na nandidilat pa ang mata.
Hahahaha! Mukang tarsier O.O
"Hahahaha! Wala yun, basta ako papasa ko dun. Ako pa? Ako pa
ba?" mayabang na angis ko sakanya. Di naman talaga ko babagsak dun noh!
"Ang yabang mo rin eh no? Andito na tayo, pwede mo na alisin yang braso mo sa balikat ko." sabi niya sabay tanggal ng braso ko sa balikat niya.
"Sownget! Umuwi ka na nga jan!" sabi ko sabay tulak sakanya.
"Oo na, ikaw naman, mukang di pa makakauwi dahil nakikita ko ang boyfriend mong nakasandal sa kotse mo!! Bwahahahaha!! Bes, GOODLUCK AH!" sabi niya sakin na parang baliw. Sabay alis na papunta sa sasakyan niya.
HUH? BOYFRIEND KO?
Tumingin naman ako sa kotse ko at nakakita ako ng GWAPONG NILALANG?? ayy hindi DIMONYO pala ang nakikita ko at nakangisi pa sakin habang nakasandal sa kotse ko at nakapamulsa.
KAPAL AH?
Lumapit na ko sa kotse ko dahil gusto ko ng umuwi. Pagod ang utak ko dahil sa tatlong exam namin kanina.
"Hon?" he said in a husky voice.
Di ko siya pinansin. Letche naman toh bat sa pintuan pa ng driver seat nakasandal.
"Hon, let's talk please?" malungkot na sabi niya sabay hawak sa kamay ko.
HAAAYYY!! Napaka GWAPO talaga ni Sean. Lalo na yung mapupungay niyang mga mata. Namimiss ko na toh! Kahit kanina ko lang siya hindi nakita. Aarrrrggghhh!!! Pinagsabihan kasi ako ni Bes na kausapin ko na daw tong lalakeng nasa harap ko.
"Lumayas ka jan, papano tayo makakapag usap kung nakaharang ka pa jan?" mataray na sabi ko sakanya.
Umalis naman siya at tumabi sa gilid na malungkot padin ang mga mata.
"Anong ginagawa mo jan? Pasok sa kotse. Hindi tayo dito mag-uusap." utos ko sakanya.
Agad-agad naman siyang pumasok sa kabilang side. Katabi ng driver seat.
"Give him a chance to explain Bes, wag mong pairalin yang PRIDE mo. Mahal mo diba? Kausapin mo na." Naalala ko yung sinabi sakin ni Ereene kanina. Sarap niya konyatan noh? Pati ako ginagaya niya sa pagkamartir niya.
Tahimik kaming bumabiyahe. Siya naman nakatingin lang sakin. Ako focus lang sa kalsada dahil ako ang nagdadrive. "........"
"Hon? Please? Wag ka na magalit sakin." maamong pakiusap niya sakin.
Teka!!
"Galing kang bar?" malamig na tanong ko. Amoy alak kasi yung hininga niya. Amoy na amoy ko dahil closed tong kotse ko.
"Im sorry. Nalulungkot lang kasi ako dahil pinagtaguan mo ko kanina." malungkot na sabi niya sakin.
LETCHE! bat ba kailangan na ganito yung boses niya, imbes na mainis ako , wala!!! nagmemelt na yung heart ko.
"Tsss.. Galit pa nga ko sayo dinagdagan mo pa. Nambabae ka na naman siguro noh? Bwiset! kailan ka ba magtitino? Ang buong akala ko magbabago ka na. Pinayagan kitang manligaw sakin kasi noon pa man may gusto na ko sayo. Nagtino ka lang nung nanligaw ka sakin pero ano? Nagsisimula ka na naman sa pagiging JERK mo!" inis kong sabi. Di ko namalayan naiiyak na pala ko.
Ang sakit lang kasi sa loob malaman na nagtino lang siya sandali nung nanliligaw sakin. Edi sana di ko na sinagot toh at pinaligaw ko nalang forever.
"Hon.... I'm sorry.. Hindi naman kasi ganun yun. Oo nung simula namiss kong mambabae. Pero natauhan ako na may girlfriend na pala kong dapat ingatan at mahalin. Na kailangan nasakanya lang lahat ng atensyon ko. Patawarin mo sana ko."
"FUCK!! Ibig sabihin nambabae ka?? Nambabae ka talaga ha?! Sinong babae? yun ba? Yung inalalayan mo KUNO?!" sigaw ko sakanya.
Hindi siya umimik. Fuck! So nagsinungaling lang talaga siya sakin???
"BUMABA KA NA SA KOTSE KO!" utos ko sakanya.
Nagulat naman siya at napatingin sakin. Hininto ko yung kotse ko sa tabi ng kalsada.
"Hon, isang beses lang naman yun. Hindi ko na uulitin." malungkot na sabi niya.
"FUCK YOU! BUMABA KA NA! WAG KA NA ULIT MAGPAPAKITA SAKIN! MANLOLOKO!!! UMALIS KA NA!" galit na galit na talaga ko. All this time?? Grrrrrr!!!
"Hon please.. Im sorry, Im sorry"
"ISA! BABABA KA O AKO ANG BABABA DITO?" galit na sabi ko.
"Hon?? Please?" malungkot na sabi niya at hawak sa kamay ko.
"DALAWA!!" sigaw ko ulit.
"ANO? PAPAABUTIN MO PA HANGGANG TATLO??!!" parang mapapatid na yung ugat ko kakasigaw.
Wala na siyang nagawa kundi bumaba ng sasakyan ko.
Ayoko munang makipag usap sakanya. Mali ata yung sinunod ko si Ereene, mas nasaktan lang ako sa nalaman ko..
Minsan may mga bagay na sana di mo nalang nalaman. Na sana kung ano nalang yung alam mo iyon nalang talaga. Kasi kung kailan matatanggap mo na yung sakit tsaka naman madadagdagan. Sabi nila MAS MASAKIT malaman ang totoo. At eto nga, mas masakit sakin dahil nalaman ko kung anong totoo. At TANG INA lang.....
Ang SAKIT SAKIT! :'(
**********
Sabaw.
VOTE
COMMENT.
Sabi ko para malighten up yung mood ng story iba wala munang sad.
Nauwi sa ganito.
Next chapter.
Be readyXD
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...