TWENTY ONE (21)
EREENE's POV :
Tahimik naming binabaybay ang kalsada pauwi sa bahay namin.
Nakakapagtaka nga eh kasi talagang alam na niya ang bahay namin. Sabagay hinatid na niya ko dati diba? Pero nakakapagtaka padin eh.
"Angelo, pano mo pala nalaman kung san ako nakatira?" curious kong tanong sakanya.
Hindi niya ko sinasagot. Nakatingin lang siya ng direcho sa kalsada at seryosong nagdadrive.
TAE toh!
"HOY!" sigaw ko sakanya
Tumingin siya sakin, nakatingin lang ng biglang huminto ang sasakyan.
"Andito na tayo." seryoso niyang sabi sakin.
"Ahhh... Okay sige. Salamat nga pala sa paghatid." nasabi ko nalang.
Lalabas na sana ako ng kotse niya nang lumabas siya para umikot at pagbuksan ako ng pinto.
Kanina pa yan nagpapakaGENTLEMAN sakin.
"Thanks ah!" sabi ko sabay tapik ng balikat niya.
"Gusto mo bang ihatid pa kita sa loob. Ang dami mo kasing pinamili oh!" sabi niya sabay turo sa mga shopping bags ko.
"Hahaha.. Wag na, kahit papano naman may hiya pa ko sa katawan noh. Ok na ko dito. Tatawag nalang ako ng maid. Salamat ah! Tsaka sorry kasi ang dami kong pinalibre sayo." nahihiya kong sabi sakanya.
"Wala yun, pera lang naman yun eh. Mas importante padin naging masaya ka sa company ko. Oh siya! Mauna na ko ah!" paalam niya sakin.
"Hahaha! Alam mo kung hindi mo lang sinabi kanina na di mo ko gusto, iisipin ko talaga patay na patay ka sakin. Hahaha!!" natatawa kong sabi sakanya.
Nanlaki naman ang mga mata niya. Para bang may nasabi akong kinabigla niya.
"Joke lang! Sige na umuwi ka na. Salamat ulit. FRIENDS?" sabi ko sabay lahad ng kamay ko.
"Ahh.. Ehh.. Hahaha! FRIENDS. Sige goodnight Ereene!" paalam niya
Sumakay na siya sa kotse niya inantay kong magstart ang engine. Kumaway ako kahit hindi ko alam kung nakikita niya ba ko.
At ayun... Umandar na paalis ang kotse niya.
Nag doorbell ako at bumukas naman ang gate naming ubod ng laki.
"Tawagan mo nga si Asunta at ipabitbit mo tong mga pinamili ko. Isunod nalang kamo niya sa kwarto ko." utos ko sa guard.
Tuloy tuloy naman ako papasok sa bahay.
Napatingin ako sa isang kotse na nakapark sa may gilid. Bago lang sa paningin ko yun eh.
Madami kaming sasakyan sa bahay dahil nangongolekta si Daddy, pero never ko pang nakita ang nakaparadang sasakyan na yun.
"Ma'am Ereene! Kanina ka pa inaantay nila Sir !" sigaw sakin ni Asunta.
"Huh? Anong sinasabi mo jan? At sinong Sir??" nagtataka kong tanong.
"Daddy niyo po, may bisi---"
"Isunod mo yung mga pinamili ko sa kwarto." putol ko sa sinasabi niya.
Ako naman nagtuloy tuloy na sa loob.
Nauuhaw ako, makapunta nga munang kusina.
O__________O
"Ereene anak, bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin inaantay ah?" si Daddy
Bat ako nagulat? Andito lang naman si Dylan at ang mga magulang niya. Sa Dining Area namin mukang kanina pa nila ko inaantay.
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...