Chapter 4 HIS WORDS

122 2 0
                                    

FOUR(4) His Words

"Anong karapatan mong suntukin siya ha?" nagulat ako ng biglang nagsalita si Dylan , halos nakalimutan ko na andito nga din pala siya.

"S-sinampal n-niya kasi ako." sagot ko.

"Dylan look! my Face ,huhuhu ang sakit ng ginawa niya sakin. huhuhu"

Fowta ! bat ba ang nag iinaso tong babaeng to? eh hindi naman malakas yung pagkakasuntok ko sakanya.Pag eto sinapak ko ulit tulog toh!

"Mag-sorry ka sakanya" matigas na sabi ni Dylan.

"HOY!! teka nga bat bestfriend ko pa yung mag sosorry jan sa babaeng yan ha?" inis na sabi ni rizza, maski ako nainis din sa sinabi ni Dylan bat kelangan ako pa magsorry jan? ako ba ang nauna?

"Dapat lang na magsorry siya sakin dahil sa ginawa niya sa mukha ko!"

"WOW! ano bang nangyari jan sa mukha mo? Normal padin naman ah!" sabi pa ulit ni rizza.

"pwede ba, wag ka ngang makielam ? hindi ikaw ang kausap ko." pananaway ni Dylan kay Rizza.

Walang nagawa si Rizza kundi itiklop ang bibig neto.

"Bakit ko kailangan mag sorry sakanya? samantalang siya ang naunang manakit." paliwanag ko kay Dylan.

"Wala kong pakielam , basta mag sorry ka sakanya," mairing sabi ni Dylan.

Bat niya ba ko pinipilit na magsorry? Wala naman akong ginawa sakanya, Quits lang kame.

"hindi ako magsosorry sakanya." matigas na pilit ko.

Nakita kong kumunot ang noo ni dylan, sumama din ang tingin niya saakin.

"Ang kapal ng mukha mong suntukin ang GIRLFRIEND ko tapos di ka hihingi ng sorry ha?!" galit na ang tono niya na siyang kinabigla ko. So girlfriend niya pala to? kaya pala ganun nalang siya makapag react.

"Girlfriend mo yan Dylan? Hindi ba si Ereene na ang magiging as---"

hindi ko na pinatapos si Rizza.

"Im sorry" sapat na marinig nila ang boses ko. Wala na kong magawa kundi ang pababain ang Pride ko. Bakit ba ganon? ako na naman nagmukang masama.

"Bes ano ba?! bat ka nagsosorry jan?! Hoy Dylan! ang kapal mo naman , mahiya ka naman sa bestfriend ko magpapaka---"

"Rizza Tama na Yan!!!" pinigilan ko ulit siya hindi dapat malaman ni Dylan na alam na ni Rizza ang sitwasyon namin.

"Bes!?" iritang sabi ni Rizza.

"Sorry ulit, sige aalis na kami."

hinila ko na si Rizza para makalayo na kami dun. Dahil mabigat na sa dibdib. Hindi pa man kami nakakalayo ng magsalita si Dylan.

"Sa susunod na mangyari pa to, Ako na ang makakalaban mo!". hindi ko alam ang irereact sa sinabi niya kaya tumakbo nalang ako palayo.

"BES!! WAAAAIIIT!!" sigaw ni rizza pero tuloy tuloy lang ako.

Hindi ko alam kung san ako pupunta hanggang makarating ako sa Rooftop ng School Building.

"Nakakainis ka kala mo!!" hingal kong sabi. Naiinis ako! Naiiyak ako sa inis. Bat ba siya ganun sakin?

"LAGI MO NALANG AKONG SINASAKTAN EH!!" sigaw ko.

"Ang ingay mo naman."

nagitla ako ng may nagsalita.

pagkakita ko isang lalaki. Teka pamilyar to ah??

"Ikaw na naman miss?, Pambihira naman, natutulog yung tao eh!" sabi niya.

"Excuse me? ako ba kausap mo?"

"Obvious ba miss? kaya nga ikaw na naman eh! ikaw din yung sa parking diba? yung masunget." sabi niya sabay kamot sa batok niya. Hindi ko alam kung anong problema neto at pakamot kamot pa ng batok, nagpapacute siguro toh!.

"Nagpapa-cute ka ba sakin ha?"

tanong ko.

Pero tumawa lang siya.

"Ahahahahaha.. A-ako?? hahahahah!! mag-papacute sayo? hahahaha !! Oy wag kang assuming jan.. hahahah! lakas mo maka joke ahh!! hahahahaha"

Gago pala to eh! Ako pa assuming??

"Eh loko ka pala eh, may pakamot kamot ka pa ng batok feeling mo naman cute ka!"

" Ehem!! makati yung batok ko kaya ko nagkakamot.. Tsaka miss hindi naman talaga ko cute eh, kasi POGI AKO!" sabay smile pa at sign ng Mr.Pogi..

"HUWAAW! ang hangin naman ng ulo mo baka liparin ka pataas jan hoy!" Ang yabang nito ah!

"Okay lang liparin atleast hindi TANGA at Hindi SINASAKTAN."

natatawa niyang sabi.

Napatitig lang ako sakanya.

It Hits me. His words kahit alam kong pabiro sakanya yun, Tumama sakin yun. At sa di malamang dahilan bumigat na naman ang loob ko sabay napagbagsak nalang ako ng balikat...

-----

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon