CHAPTER 7 Goodnews

103 1 0
                                    

Sorry late update

patawad po !!

---

Seven (7) Goodnews

Kamusta naman yung pag iwan sakin nung Angelo na yun sa ere? matapos niyang magdrama sakin, imbes na ako ang magdadrama.. Sakit niya sa retina ! :D

Haaayy! ang sarap ng hangin dito sa rooftop at ang payapa.. Alam niyo yung peg ko ngayon? para kong nasa isang music video na senti yung kanta. Ang sarap mag emote di---

BLAAAG!!

"ay kiks" Anu ba yon? nag eemote yung tao eh.

"EREEENE!!" Biglang may sumigaw ng pangalan ko. Mukang alam ko na kung sino toh.

"Hoy babaita! garabe ka! kanina pa kita hinahagilap kung san san!"

Tama si Rizza nga . Ang bunganga oh. !!

" Nawala ang kapayapaan sa lugar na to, may dumating kasing panira eh." Inis kong sabi pero acting lang syempre.

"HUWAW! sobra naman akong nahiya sayo. Sige ikaw na ang DYOSA ah! makababa na nga, matapos kong magpakahirap na maghanap. Ayun pa matatanggap kong salita. Ang sakit dito oh! SA PUSO!" Inaso niya. Gaga talaga toh!

*POK

Tama! binato ko sapatos ko sakanya. Mahina lang naman yun. Haha! sapul sa ulo niya eh. Buti naka flats ako.

"Gagita! anong drama mo? Eto kj talaga , di man lang maka appreciate ng arte" sabi ko sakanya.

"Baliw! ang sakit nun ah! Hahaha! galing ko umarte bes no? Pang hollywood na !" natatawa niyang sabi. Yung totoo? Naka Shabu ba siya??

"Ewan ko sayo! tara na nga't bumaba." Wala namang matinong mapag uusapan eh.

"Ehhh.. Kwento ka muna, ano ginawa mo dito?" Sabi niya sabay puppy eyes.

"Muka kang aso Gago!" Hahaha!

"Medyo Hard bes ah!" reklamo niya.

"Hahaha.. Joke lang, haay bes nakita ko na naman siya." simula ko, pag di ako nagkwento , mangungulit lang toh.. Baliw yan eh!

"Nye?? sino naman bes?"

"Yung Angelo."

"Ha? sino yun kabit mo bes?"

*POK

"Gaga! hindi noh. Siya yung lalakeng lagi kong nakikita kapag nagkikita kami ni Dylan tas ako yung talo samin. Siya lagi nakaka daupang palad ko kapag malungkot ako dahil kay Dylan."

"Tologo?? Hala bes! Baka naman siya talaga soulmate mo?" react niya. OA talaga neto mag react. Todo emosyon eh.

"Sorry wala kong soul eh."

"Ajeje! ang corni mo bes ah! pero seryoso Pogi ba?" Curious niyang tanong.

"Mabait" maikli kong sabi

"Hahahaha! so panget pala siya?" napasimangot siya.

"OO! mukang ulikba bes, kaya tara na sa room." tumayo na ko para makalabas na ng rooftop.

"Sayang naman bes, kala ko naman gwapo." Disappointed? hahaha!

Oo nagsinungaling ako. -____- Bala si bes jan! Hahaha.

Sa Room

"Oy alam niyo ba yung chismis?" eto na naman yung mga chikadora kong classmate na pinangungunahan ni Alyson.

Wala pa kasing prof. Laging late ng 1 hour eh.

"Oo nga alam niyo na ba yung news??" Sabi naman ni  Christine yung baliw kong classmate.

Dahil sa may dugo kaming chismosa ni Rizza nakisugod na rin kami dun. Close kasi kami sakanila since blockmates kami.

"Anu ba yun?" tanong naman ni Rochelle yung classmate kong steady lang yung bangs.. Di gumagalaw eh. Hahaha! Partida side bangs yun ah!

"Nako! si Papa D. at si Marian break na." Say naman ni Jok-Jok yung bakla kong classmate na maganda kapag nakapikit tayo. Hahaha!

"OH? AS IN?" medyo napa sigaw naman tong si Danica, alam mu un? daming OA magreact. Kaloka talaga sila.

Tahimik lang akong nakikinig sakanila , eto namang si Rizza mukang aning. Todo kinig.

" Ay oo! Confirm na nga eh." sabi ni Alyson.

"Sino ba yung Papa D. na yun ha?" tanong naman ni Rochelle.

"Ano ka ba edi si Papa Dingdong tsaka si primetime queen Marian Rivera. Bayan!!" sabi naman Christine.

-_______- <-- Sila

^___^ <--- Christine

"Bobs! akala ko naman alam na alam mo yung balita." Alyson.

"Oo nga! Hindi sila yun baliw!" sabi naman ni Jok.

"Eh sino ba kasi yun ha?" Epal nitong si Rizza.

"Si Papa Dylan at yung jowa niang si Marian, yung makapal yung labi tas malaki  bunganga, Yung mukang Isda." Sagot ni Jok. Waitt??

"ANO?!!" Sigaw ko.

"Huy! kelangan sumigaw talaga?" Pigil naman ni Rizza sakin

"Sorry , pero totoo ba yung sinabi niyo na si Dylan at  yung Bratz este si Marian na jowa nia break na?" tanong ko.

"Oo ! kanina kasi narinig ko sila sa CR ng girls nag uusap. Sabi ni Dylan 'Lets end this Marian i dont love you anymore.' yan lang narinig ko eh. Baka sabihin kasi chismosa ko." sabi ni Alyson.

" bakit hindi ba?" side comment ni Rizza , natawa nalang sila.

"WAAHH! talaga? SIYAKS! im soo happy bes!" sabi ko sabay talon talon pa.

"Bes maghunos dili ka!" pigil niya ulit sakin.

Waahhh!! ang saya! Si soon to be husband ko wala ng kafling!! wala ng girlfriend!

Sa sobrang tuwa ko. Nasabunutan ko na si jok jok! Hahaha

"ARAAY!! yung hair ko." reklamo niya.

"ay sorry! masaya lang ako bakla! wahahaha." binitawan ko na kawawa naman eh.

Woooh!! Tatlong feeling lang nafefeel ko ngayon.

Una HAPPINESS

pangalawa HAPPINESS

at pangatlo HAPPINESS..

DYLAN! ako nalang kasi i-girlfriend mo. Pleeeaaasssee?? :(

****

Abang nalang ulit tayo :)

Vote.Spread.

Hi sa lahat ah! Mahal ko kayo. :*

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon