Chapter 24

67 0 0
                                    

TWENTY FOUR (24)

A/N : Sorry for late update guys.

Salamat sa pag-iintay mga repapips ko :D

Dedicated to : AnaRoseFadriquilan

Salamat sayo ate :)

--------

Kasalukuyan akong nasa kwarto at patuloy na inaayusan ni Mama Josh. Siya ang baklang fashion designer ni Mommy.

Bakit ako inaayusan??

KASAL KO NA NGAYON!

IT'S OUR WEDDING DAY :))

Matapos ng nangyari samin at pagsisigaw sigaw sakin ni Dylan eh mauuwi padin kami sa kasalanan.

Hinatid ako ni Dylan noon sa hanggang gate ng bahay namin. Galing kami sa bahay namin nun diba??

Hinatid niya ako,yun nga lang napilitan lang siya dahil napag utusan siya ng daddy niya.

Sobrang awkward talaga nung mga oras na yun kasi di man lang niya ko tinatapunan ng tingin eh. Tapos kapag nagkaka urge akong kausapin siya paglilingunin ko na siya tsaka biglang sasama ang tingin niya sa kalsada kaya napapatikom nalang ako ng bibig hanggang sa makarating kami sa labas ng mansyon namin.

Di ko na rin nagawang magpasalamat sakanya dahil kahit di niya sabihin alam kong ayaw na niyang magtagal pa ako sa kotse niya, kaya ayun dali-dali akong lumabas ng sasakyan niya.

Nagtaka pa nga ko nun kasi akala ko haharurot agad siya paalis. Pero nakahinto padin ang sasakyan niya. Medyo matagal pa siyang nakaparada sa labas ng gate namin.

Napahinto pa nga ko para tignan at alamin sana kung bat parin siya nakahinto. Babalik na nga sana ko sa pwesto ng sasakyan niya ng bigla naman humarurot paalis.

Di ko tuloy alam ang iisipin.

Nabalik lang ako sa ulirat ng magsalita si Mama Josh.

"Grabe! Napaka ganda mo talagang bata ka! Kahit nga di na kita ayusan tsak! Pak na pak ang beauty mo dear!" masayang puri sakin ni Mama Josh habang nililigpit ang mga ginamit niya sa pag-aayos sakin.

"Naku! salamat Mama Josh. Ang galing niyo talaga kahit kailan." puri ko pabalik sakanya.

PANSIN NIYO??

B-U-M-A-B-A-I-T NA KO AH!!

Natigil naman kami ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at nilabas nito ang my so ever super duper beautiful and gorgeous Mommy ^____^

"Wow! Napaka ganda mo naman anak ko! Pag nakita ka ni Dylan tsak matutuwa yon. Manang-mana ka talaga sa ganda ko anak." Kitang kita ko sa mata ni Mommy ang kasiyahan.

"Dear, una na muna ko ah! By the way ang ganda niyo talagang mag ina." ngiting paalam samin ni Mama Josh at lumabas na nga ng kwarto.

Nang makalabas na si Mama Josh agad akong bumaling kay Mommy at binigyan siya ng isang pilit na ngiti.

Hindi ko alam pero malungkot ako dahil iiwan ko na ang katagang SINGLE :(

"Anak ,sana masaya ka sa araw na ito. Alam ko maling ipasok ka sa isang sitwasyon na katulad nito. Na ginaya pa kita sa sitwasyon namin ng daddy mo. Pero wag ka mag alala balang araw malalaman mo na wala kang pagsisisihan anak, at tingin ko naman madali mong matutunang mahalin si Dylan. Mukha namang napakabait niya." magiliw na sabi ni Mom.

Gusto kong matawa sa sinabi niya. Parang baligtad ata? Parang kay Dylan niya dapat iyon sinasabi at hindi sakin. I mean yung last part na sinabi ni Mommy.

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon