TWENTY (20)
ANGELO's POV :
Kasalukuyan kaming nasa mall at NAGSISISI na ko na inaya ko siya at sabihing ililibre ko siya.
PUCHA BA NAMAN! Ang dami kong shopping bags na dala! Pano halos lahat ng botique na madaanan namin dito sa mall pinapasukan namin at nagpapabili siya ng kung ano ano.
Mauubos agad yung dinekwat kong pera sa magaling kong Ama! Arrrgghh!! At etong si Ereene mukang Amo ko! OO! AKO ANG DAKILANG KATULONG NIYA!!
Eh kasi naman nauunang maglakad sakin. Sabi niya DATE toh! pero alam ko namang sinabi niya lang yun para iparinig kay Dylan. Kaya eto ako! Pinandigan ko na talaga ang pag dadate kuno namin.. PESTENG BUHAY!
"HOY EREENE! Ang sabi ko samahan mo ko diba? Hindi ko sinabing gawin mo kong alalay dito!" singhal ko sakanya.
Fuck lang! Di na ko magkandaugaga sa pagbitbit ng mga PUTANG shopping bags na toh! Ang sarap ihagis.
"Gwapo ka namang alalay eh. Ok lang yan." sabi niya na tuloy tuloy padin sa paglalakad.
Nakakatuwa na nga na ang GWAPO ko daw. Pero alam kong nang-uuto lang yan..
AYOKO NA! TATALON NA KO HANGGANG GROUND FLOOR NGAYON! nasa 3rd floor kasi kami ngayon.
Huminto na ako. Bahala ka jan Ereene kahit mahal kita. !
Di pa siya ganong nakakalayo ng maramdaman niya sigurong wala ng sumusunod sakanya.
Lumingon siya sa likod at sakin.
Lumakad siya pabalik
"Akin na nga yung iba. Tara kumain na tayo, libre ko." kinuha niya ang ilang shopping bags na bitbit ko at siya ang nagdala.
LILIBRE NIYA KO??
WAW LANG!! sigaw ko sa isip ko.
"Huy ano? Jan ka nalang forever? Dalian mo baka magbago pa isip
ko." sabi niya sakin sabay lakad.
Nagsimula na din akong sumunod sakanya.. Ahihihi ^______^
La la la la la.. Lilibre niya ko.
Huminto siya sa isang tapat ng ewan ko kung ano yun.
Mabilis naman akong pumunta sakanya, para malaman kung san niya ko ililibre.
O________O laglag Panga.
"JOLLIBEE?" di ko makapaniwalang tanong.
"Ahuh! Tara na! Gutom na ko." sabi niya tapos naglakad na papunta sa loob.
ETO NA YUN??? ETO NA TALAGA YUN??
Akala ko naman kung san kami kakain. Umasa pa naman ako na sa isang Romantic Restaurant kami kakain.. Kaya nga wagas wagas ang tuwa ko dito eh!!
NO CHOICE T________T
Pasalamat nalang tayo dahil ililibre niya ko. Moment din toh.
Labag sa loob akong pumasok at sinundan siya sa pila.
Napatingin naman agad siya sakin at alam kong nagtataka siya.
"Anong nangyare sayo? Bat nakabusangot yang muka mo jan?" tanong niya sakin.
"Wala" walang gana kong sagot.
"Teka, ayaw mo ba dito kumain?" parang di siya naniniwala sagot kong WALA.
"Ha? Gusto ko nga dito eh! Yehey! Ang saya-saya. Jollibee to eh! Bida ang saya dito.!" sarcastic kong sabi habang nagtataas taas pa ng kamay na parang nagchecheer.
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...