Chapter 16 Square Look

91 1 0
                                    

SIXTEEN (16) Square Look

A/N: Una sa lahat..
Sorry dahil nalate ang pag update ko.
Kakatapos lang ng Hell semester namin. Bakasyon Grande na!
Hohoho! Joke XD
Dalawang subject pa ang may exam namin.
Sorry talaga sobrang late
ng update.
Sana naintindihan niyo
at para makabawi 3 chapters ang iuupdate ko ngayon :))
Sunod-sunod na chapters :)

Enjoy again.
Salamat po sa pag iintay :*

-------

It still on Ereene :)

Kasalukuyan kaming nagkaklase ngayon. SOCIOLOGY ang subject. I wonder bat kailangan to sa course namin eh, hello?? FINANCIAL MANAGEMENT kami noh!

Pero okay lang kasi masaya ang subject na toh. Lalo na yung prof. namin na si Sir Tof, isa siyang sirena sa dagat.. HAHA! SHOKOY pala hindi sirena. xD

Kaya mas masaya ang subject namin, hindi boring katulad ng ibang prof na kulang nalang eh maging kama yung mga upuan namin sa sobrang BORING ! Ang sarap TULUGAN.

Lalo na sa topic namin ngayon. ALIVE na ALIVE ang mga kaklase ko. FAMILY PLANNING daw ba eh. Syempre dito magagaling ang utak namin.. Oo NAMIN talaga.. Haha

Tuwang-tuwa ang mga Gago sa pinaguusapan. Kaloka!

"Class, anong method ang PINAKAEFFECTIVE? para maiwasan ang pagdami ng anak??" tanong ni.sir Tof.

Kung anong method man yan? About yan sa Sex. Yung mga natural method , kru kru Churva~~

"Sir ! ABSTINENCE!" sigaw ni Jok jok yung  bakla kong classmate.

Yes naman ! Alam na alam eh no?

"Your correct Jok, now what is ABSTINENCE?" tanong ulit ni Sir.


"Abstinence, is simply refraining from sex. And it is 100% EFFECTIVE Sir!" sagot ni Rizza.

Yes Active si Bestfriend nag-aaral mabuti. Ako? Ayokong sumagot wala kong gana.


Well about sa dramahan namin ni Bes, tapos na yun nung sabado pa. Lunes na ho ngayon.

Ang bilis ng araw, palapit na ng palapit ang araw kung kailan hindi na ALCANTARA ang magiging apelido ko kundi MONTERIAL na. Nakakatuwang isipin na sa ganitong edad ay ikakasal na agad ako. Pero nakakalungkot na magpapakasal ka sa taong hindi ka naman  mahal.

Pero sabi nga nila HABANG MAY BUHAY MAY PAG-ASA.

At katulad nga ng sinabi ko kay Rizza nun, hanggat mahal ko siya, patuloy akong aasa.


Kung si Dylan ang itatanong niyo sa akin. Wala akong maisasagot sainyo. Kasi simula nung eksenang iniwan niya ko kung san mang lugar yun eh hindi ko pa siya nakikita. Nakakausap?? ASA PA! ni makita nga ko ayaw nun, kausapin pa kaya? Kausapin man niya ko ay hindi dahil gusto niya. Kundi dahil inutos sakanya at labag sa loob niya.

Tsaka isa pa wala akong number niya, although nakabili na ko ng pamalit sa nanakaw kong cellphone na iphone5s , anong pinalit ko?? Iphone5s padin. Ok na sakin yun, bihira ko lang naman nagagamit. 

Hindi ko hinihingi ang number niya dahil baka MASAPAK lang ako nun. Alam niyo namang nanggugumalaiti yun sakin diba?


Pero basta ako, mahal ko padin siya kahit ganun siya sakin.. Totoo nga no? Na kapag mahal mo ang isang tao.. Magagawa mong tanggapin lahat ng pagkakamali niya. At lahat lahat sakanya...


Kahit maraming lalake jan.. Hindi ko siya basta-basta ipagpapalit sa iba o titigilan ang pagmamahal ko sakanya. Ilang taon ko din siyang minahal tapos bigla ko nalang babalewalain?? DI KO KAYA!


"OKay class, See you on next monday. Prepare for a long quiz." hindi ko namalayan tapos na pala ang discussion.

Seriously?? Nilamon na naman ako ng kakaisip kay Dylan. Ayyyyttt.. Bayan! Ang daldal kasi ng utak ko eh. LETCHE!

"Oy Bes, may problema ka ba?" concern na tanong sakin ni Rizza. Habang naglalagay ng concealer, para matakpan ang eyebags niya. NAPUPUYAT AH!!?? Hahaha..

"Wala naman, iniisip ko lang kung pano ko masosoli tong jacket kay Angelo eh. Alam mo na baka kailangan niya toh." pagsisinungaling ko sakanya. Alam ko kakagat yan. Uto-uto din kasi yang babaeng yan eh.

"Baka makita natin yun, tara muna sa cafeteria, gutom na ko." sagot niya sakin.

Kita niyo? Sabi sainyo sasakay yan eh. Hahaha !

Nag-ayos na rin ako bago kami lumabas.


Oo nga pala alam na ni Rizza yung about kay Angelo na hinatid DAW ako sa bahay. Wala parin kasi akong maalala eh, hindi ko alam kung ano ang nangyari samin.

Kaya i need to see Angelo, to clear things up.

Nagpunta na kami ni Rizza sa cafeteria. Hindi naman masyadong puno sa loob.

Naghanap-hanap kami ng mauupuan and to our surprise.


"Bes si Dylan mo oh!" turo sakin ni Rizza.

Oo si Dylan nga. MAG-ISAng nakaupo at kumakain. WOW! Bago yan ah.. Bat hindi niya kasama yung laruan niyang si BRATZ??


"Oo alam ko, nakikita ko Bes." baling ko kay Rizza at tumingin ulit ako sa pwesto ni Dylan.

AT----------


Nakatingin siya sakin! Oo NAKATITIG PA! Hindi ko alam kung anong nasa isip niya. Dahil blanko ang mga mata niya.

Parang sandaling tumigil ang mundo ko, nakatitig siya sakin at nakatitig ako sakanya.

Sasabog na ata ang puso ko.


Looking at him..

HIS so handsome. HIS eyes are perfectly shaped. Like it was sparkling... HIS nose that is perfectly symmetrical. And lastly HIS lips... Just so breath taking. With its natural reddish color. I imagine how soft his lips are. Arrgghh!! I want to feel his kiss someday.

God! Bat kayo nagcreate ng taong ganito?? HIS BEYOND PERFECT! For pete's sake!!

Bakit ganito?? Parang matutunaw ako sa mga titig niya. Feeling ko I turned into a jelly. Nakakapanglambot!!!

Dahil ayokong malusaw dito ng wala sa oras. Ako na ang naunang magtagal ng mga titig sakanya. Hindi ko na kasi kaya, pakiramdam ko sasabog ako any minute.. Kahit andun na yung chance ,hindi ko talaga makayanan.. Nakaka MESMERIZE po.

Iniwas ko na ang tingin ko kay Dylan at napatingin ako sa may exit door ng cafeteria at sa lalaking papalabas...



"ANGELO!" sigaw ko.

Si Angelo yun alam ko. Alam na alam ko na ang itsura niya.

Arrgghh!! Kahit ayokong umalis dito sa cafeteria ay kailangan.. I need to talk to him.


"ANGELO WAIT!" sigaw ko ulit. Pero wala, nakalabas na siya..

Grrrr!! mahabol na nga lang.

Hinatak ko na si Rizza para habulin si Angelo.

"Bes ano ba?! San tayo pupunta? Gutom na ko eh!" atungal niya habang nagpupumiglas.

"Samahan mo ako. Mamaya na tayo kumain." maawtoridad kong sabi sakanya.


Wala na siyang nagawa.

Nagpakaladkad na siya sakin ng tuluyan.


Bago kami tuluyang makalabas ng Cafeteria.. Naramdaman kong may mga matang nakatitig samin..

SAKIN to be exact.

*****
Bitin?
Uso po next chapter..
Hahah !
VOTE PO TAYO AH!
SALAMAT :)

Check out my other stories.
SINISIKRETO NIYA KO (one shot)
BENCH.BATH (one shot)
ANG HIYAS AT ANG SANDATA (one shot)

Nasabaw kasi utak ko kaya yan muna pinagkaabalahan kong gawin.
Follow niyo naman ako.
Salamat ulit :*


Norns<3

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon