Chapter 23

71 2 0
                                    

TWENTY THREE (23)

A/N : Di pa po talaga pwede maglagay ng POV ni Papa Dylan ah!! Wala pa sa flow.

Hahaha.. Basta! Abang nalang kayo ng POV niya :)

--------------

Nagising ako sa tampal na nararamdaman ko sa may pisngi ko.

Unti-unti kong minulat ang mukha ko at ang mukha agad ni Dylan ang tumambad sakin.

SHEMAY!!

"Mabuti naman gumising ka pa, bumaba ka na jan. Andito na tayo." malamig na sabi niya.

Kanina pa malamig ang tono niya sakin. Yung totoo?? Kumain ba yun ng Yelo?

Napamulat na talaga ko ng todo todo ng ibalibag niya ang pinto ng driver seat.

Inayos ko ang sarili ko tsaka ko lumabas ng kotse niya.

Gano kaya katagal ang biyahe namin? Hala!! Mamaya iwanan niya ko, di ako makakauwi dahil natulog ako at hindi ko alam kung anong lugar na toh.

"Buti naman tumila na ang ulan." sabi ko sa sarili ko.

Napukaw ang mga mata ko.

Napukaw ng isang magandang bahay!!

WOOOOOWWW!!

Agad kong sinundan si Dylan.

Nakita ko siya sa may terrace ng bahay na may kausap na matandang lalake.

"Dylan! Eto na ba yung bahay natin?? Ang ganda!" masaya kong baling sakanya.

"Umayos ka nga. Oo eto na nga

yun." masungit niyang sagot sakin.

"Magandang Gabi po Madam. Kayo po ba ang asawa ni Sir?" tanong nung matandang kausap ni Dylan.

AYIIIIIEEEEE >/////<

"P-po? Ahehehe.. M-magiging asawa palang po manong. Ako po si Ereene" magiliw kong pagpapakilala sabay lahad pa ng kamay ko.

"Nako! Napakaganda niyo naman talaga. Tama nga ang sabi nila Madam Beatrice. Ako naman po si Mang Kanor. Care taker ako dito." pakilala naman ni manong.

"Ahhh.. Hehehe. Salamat po." nahihiya kong sabi.

Si Dylan naman iniwan ako. Pumasok na sa loob. Kaya nagpaalam na rin ako kay manong.

"Sige po, pasok muna ko. Nice to meet you po Mang Kanor." masaya kong pagpapaalam.

"O siya sige. Bagay na bagay talaga kayo ni Sir Dylan. Una na po muna ko ah!" sagot naman niya.

Umalis na si Manong. At ako naman pumasok sa loob.

Ang Ganda ng bahay NAMIN!

Simple lang siya, hindi siya sobrang bongga na katulad ng mga mansion ng mga magulang namin.

Malaki siya. Pero ang mga disenyo ng bahay ay simple lamang.

Hinanap ko si Dylan.

"Asan na yun??" nawala bigla ah.

Umakyat ako sa itaas kung saan nandoon ang mga kwarto namin. Oo nga pala hindi kami magkasama sa kwarto.

Tig-isa nga pala kami.

SAYAANGGG!! >___<

"DYLAN??" sigaw ko ng pangalan niya.

Sinilip ko ang mga kwarto pero walang Dylan na nilabas.

Napuntahan ko din ang kwarto niya. Siguro siya ang nagpasadya ng disenyo ng kwarto niya.

Sobrang MANLY lang.

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon