Chapter 9 Just a Snap of Happiness

98 2 0
                                    

NINE(9) Just a Snap of Happiness

Nakarating naman ako ng matino sa library. Naloka talaga ko sa eksena kanina. Pero yaan na yun, lagot sakin yung kumag na batang yun pagnakita ko ulit.

Medyo kaunti nalang ang tao sa library, hapon na rin kasi eh.

Hinanap ko na yung mga librong kailangan ko.Tsaka ako nagpunta sa parang counter ng library.

"Eto lang po ba?" tanong nung nagbabantay.

"Yes" sagot ko naman , sabay pakita ng library card ko.

After that , naupo ako sa mga solong seats doon. I need to finish this , para di ako abutan ng cut-ofr ng lib.

TIK TOK

TIK TOK

"Haaayy!! Onti nalang matatapos ko na toh."

Nag inat muna ko para mastretch stretch. Kapagod magsulat eh.

Tumingin tingin ako sa paligid.

Nagulat ako ng may nahagip ako ng tingin sa di kalayuan .

"Dylan?" Tumayo ako para puntahan siya. Siya talaga yun alam ko.

Di pa ko nakakahakbang ng may nagsalita sa likod ko.

"Miss may extra ballpen ka pa?" tanong nung lalaki sa likod ko.

"Ay oo! eto oh!" sabay bigay nung ballpen na hawak ko.

"May gagamitin ka pa ba miss?" tanong niya ulit.

"OO! tingin mo bibigay ko sayo yan kung wala na kong gagamitin?" hindi naman ako nakasigaw dahil nga library to. Sapat ng malaman niyang naiinis ako.

"Sorry naman" sabi niya.

Bweset ka kuya! Tss!

Muntik ko ng makalimutan si Dylan.

Kaya naman tinungo ko na yung lugar kung san ko siya nakita.

Pero pagdating ko dun .. WALA NA SIYA! hinanap ko pa siya. Paikot ikot pa ko, pero wala na talaga.

PAKYU kasi si kuya eh! arrghh!! epal nanghiram pa kasi ng ballpen eh!

WEYT? hindi kaya imagination ko lang yun? Baka namimiss ko lang siya kaya naghahallucinate na ko dito. Pero alam ko siya talaga yun eh. Ay nyeta! pati ako nalilito na din.

Bumalik ako sa upuan ko para ituloy nalang yung ginagawa ko.

Epalogs kasi tong lalakeng to eh!

padabog akong umupo sa upuan ko.

"Miss are you okay?" Tanong niya sakin. Tengene Feeling Close to masyado ah?!!

"Isa pa ! masasaksak ko yang ballpen ko sayo!" irita kong sabi.

Muka namang natakot si kuya kaya dali dalinh tumayo at nilisan yung pwesto niya. Iniwan niya sa table niya yung ballpeng hiniram niya.

"Impaktong yun di man lang nag-thank you.!"

Sa inis ko pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko.

TIK TOK

TIK TOK

TIK TOK

TIK TOK

"Sa wakas!!! i'm finally done!" sabay inat ko ng braso.

Tumingin ako sa wristwatch ko.

8:44 pm.

"SHOCKS! O.O" Gulat na gulat ako sa oras. Ginabi na pala ako . Oo nga pala 9pm ang sara ng library.

Naku! dali dali akong tumayo at binalik sa counter ang mga librong ginamit ko.

After some minute nakalabas na rin ako ng lib.

"Pheew! that was close, kung nagkataon dun ako matutulog."

Naglalakad na ako ngayon. Wala ng masyadong tao sa school. Natural gabi na kaya. Pero may mangilan ngilan pang nakatambay. 10pm pa kasi ang sara ng school namin.

Pumunta muna ko sa locker ko, kinuha ko yung phone ko at tinago dun ang ilang ginawa ko, ayoko kasing magbitbit ng marami.

Nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam . Feeling ko may nakatingin at nagmamasid sakin. HALA? tinatayuan ako ng balahibo ngayon. DIMUNYU! Wag ganyan takot ako sa multo eh. Dali dali kong inayos yung gamit ko sa locker sabay sara nito at takbooo!!!

Hinihingal ako! Letche na yan. May chismis pa naman na may mumu daw sa campus, ang pangalan e kulot! batang multo daw yun. Curly ang hair at maitim daw. Nagpapakita daw yun tapos haharangin ka, teka? di kaya boy version niya yung kanina? yung Robie ba yun? Hahaha.

At kapag naharang ka aayain ka daw niya maglaro. Nako! kung sana ba playful siya diba? Eh hindi daw.

Dahil sa takot ko. Naiihi tuloy ako! Ahmp! Bat ngayon pa? Feeling ko sasabog na pantog ko.

Bumalik ako at tinungo ang CR . Malayo palang ako may narinig na akong ungol.

"Ooohhh...."

Tungunu! Wag ngayon oh! ihing-ihi na talaga ko.

Nakita ko namang may lumabas na lalaki sa CR ng boys, so meaning? baka may tao pa din sa loob ng CR ng girls.

Bala na nga si Lord! ihing-ihi na talaga ko swear!!

Kahit natatakot pa ko lakas loob kong tinungo yung CR ng girls.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ng CR.

O______O Feeling ko naihi na ko sa panty. Pano ba naman may naghahalikan..

****

Continuation next chapter :)

mweheehe.

The who?

I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon