TWENTY NINE (29)
Ereene's POV :
"HOY EREENE! BUKSAN MO TOH! HOY! BAKA GUSTO MONG BUMANGON NA JAN?!!"
Bigla akong naalimpungatan dahil sa sunod-sunod na katok na halos magiba na ang pintuan ng kwarto ko at sa malakas na sigaw.
"A-aray" napahawak ako sa ulo ko dahil sobrang sakit na parang pinupukpok.
Hindi rin ako makabangon dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko at pakiramdam ko nag-aapoy ang buong katawan ko sa sobrang init.
Kinapa ko ang noo ko, ang init ko. Alam kong may lagnat na ko dahil nagpaulan ako kagabi. Naalala ko na naman yung mga nakita ko kahapon.
"HOY! TANGHALI NA! BUKSAN MO NGA TOH!" halos masapo ko ang dibdib ko sa sobrang gulat dahil sa malakas na sigaw na alam kong si Dylan ang may gawa. May balak pa ata siyang gibain ang pintuan.
Kahit sobrang bigat at sama ng nararamdaman ko pinilit ko padin tumayo. Natatakot kasi ako sa sigaw ni Dylan, parang papatay na siya ng tao.
Gegewang-gewang akong naglakad papunta sa harap ng pinto, sobra kasi ang hilong nararamdaman ko.
Agad kong binuksan ito at isang galit na galit na mukha ni Dylan ang bumungad sakin.
"MABUTI NAMAN BINUKSAN MO PA! ALAM MO BA KUNG ANONG ORAS NA HA??!! ALAS DOSE NA NG TANGHALI. ANO SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO HA? NAGPAPAKASARAP SA TULOG? HOY! PARA SABIHIN KO SAYO MAY ASAWA KA NA!" galit na sigaw niya sa akin.
Hindi ko magawang intindihin ang sinabi niya dahil masama talaga ang pakiramdam ko. Parang kahit anong oras babagsak ako dito sa kinatatayuan ko.
"P-pasensya n-na" yan nalang ang tanging nasabi ko.
Nakita kong kumunot ang noo niya sa sinabi ko.
"MAGLUTO KA NA NGA! GUTOM NA KO!" sigaw niya sabay talikod sa akin.
Jusko! Hindi ko kayang kumilos ngayon. Hindi kaya ng katawan ko gusto ko lang humiga maghapon.
Gusto kong bumalik na lamang sa kama at mahiga, pero kapag di ko sinunod si Dylan mas lalo lang siyang magagalit sakin.
Kaya kahit masama ang pakiramdam ko, pinilit kong pumunta sa banyo ng kwarto ko at maghilamos at magtooth brush. Sobrang sakit talaga ng ulo ko. Parang gusto ko nalang iuntog to sa pader.
Matapos kong mag-ayos, dahan dahan akong nagtungo sa hagdanan para makababa na. Humawak na lang ako sa gilid ng hagdan para maging suporta ko dahil kung hindi, gumulong na ko pababa.
Nang makarating ako sa ibaba nakita kong nasa sala si Dylan at nanonood ng TV. Ang sarap ng buhay niya grabe! Di ko maiwasang hindi mapasimangot.
Agad ko ng tinungo ang kusina para makapagluto na, gusto ko na kasing matapos agad para makapagpahinga agad ako. Nahihilo na kasi ako ng sobra.
Nagluto na lang ako ng Hotdog at Ham, gumawa din ako ng soup bilang sabaw niya. Kahit hilong hilo ako di ko nalang ininda.
Kung kailan wala akong lakas para magluto tsaka siya nag-utos, samantalang dati araw-araw akong nagluluto para sakanya hindi man lang niya pinapansin.
Pakiramdam ko nanadya talaga ang tadhanang pahirapan ako.
Matapos ang ilang sandali natapos na ako. Nagtimpla ako ng Orange Juice. Nahihilo na talaga ko.
Pagkatapos ng lahat ng gawain pinuntahan ko na siya sa sala. Agad naman siyang lumingon sa akin.
"Tapos na?" malamig niyang tanong sakin.
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...