TWENTY TWO (22)
*Brrzzztt
1 message received
5pm. Car Park
SHARP!
--------
Ohh yeaahh!!
Kay Dylan galing yang text na yan.
May no. na niya ko! Wahahahaha!!
Binigay ko ang number ko sakanya dahil nga sabay naming pupuntahan yung magiging bahay namin.
"Okay you may go now class." paalam samin ng Basic Finance Prof. namin
Agad agad namang nagsitayuan ang mga pobre kong classmates. Hahaha! Yan na naman ako sa kamalditahan ko.
Magpapakabait na nga ko isang araw nalang kasal ko na eh!!
"Bes, uwi na tayo?" aya sakin ni Rizza na nakabusangot ang mukha.
Kinuha ko yung bag ko.
"May problema ka noh? C'mon girl spill it." sabi ko sakanya habang papalabas ng room.
"Wala tara na." wala parin niyang ganang sabi.
Sabi na may problema na naman tong isang to eh.
Naguilty naman ako, dahil sa pagiging focus ko kay Dylan nakakalimutan ko na siya. Di ko pa nga nasasabi na ikakasal na ko sa isang araw.
"Bes, sige na mag kwento ka naman, Andito ako oh! ako naman makikinig sayo." pilit ko siyang kinukumbinsi para magsalita.
"Haaayyy.. Kasi naman si Sean." malungkot niyang sabi.
"Oh? ano bang meron jan sa Sean na yan? Tsaka sino ba yan?" tanong ko naman.
"Kasi naman lagi kang wala, yan tuloy di mo na alam kung ano nangyayari sa Bestfriend mo." hinaing naman niya.
"Bes, sorry talaga. Busy lang ako kasi sa isang araw kasal ko na." paliwanag ko naman.
"WHAT??!" sigaw niya. As expected.
"Ssshhh.. Quiet lang, Inurong na kasi nila Daddy yung date. Kaya ayan! ikakasal na ko kagad." sabi ko sabay nguso.
Huminto naman kami sa may bench at umupo para mag usap.
"Ayyyiiieee!!! Ikaw ah! Invited ba ko bes?" panunukso niya, sinusundot pa yung tagiliran ko.
Bipolar talaga!
"Ahmmm.. Alam mo naman na secret yung kasal namin diba? Kaya di kita maiinvite. Tsaka na kapag bonggang kasalan na. Ikaw pa brides maid ko." masayang paliwanag ko.
"Hmmmpp.. bat ba kasi kailangan pang isekreto yan? Mabubulgar padin naman yan. Dahil sabi nga, walang sekreto ang di nabubunyag! Bwahahahaha!!" baliw niyang sabi.
"Sira! Basta! Oh ikaw naman kaya magkwento jan. Ako tong nagpapakwento dito eh!" sabi ko sakanya.
"Haaaayyysss.. Oo na, si Sean manliligaw ko. Eh ayun di nagtetext sakin kanina pang umaga." lumungkot na naman ang tono
niya.
"Manliligaw?? Di ko man lang alam, di mo man lang pinapakita sakin ng makilatis. Ano bang buong pangalan niyan?" tanong ko.
"Ehhhhh... Ano, Sean Oliver Dela Cruz. Bakit mo tinanong?" nagsspark pa yung mata niya habang sinasabi ang buong pangalan ng manliligaw DAW niya.
"Hahanapin ko sa Facebook! pakita mo sakin yan ah!.. Wag mo ng isipin yun. Manliligaw mo palang yun hindi mo pa boyfriend kaya wag kang mag inarte jan kung di ka natetext. Baka busy diba??" sabi ko sakanya.
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...