TWENTY SIX (26)
Ereene's POV :
Hinayaan ko nalang ang sarili kong umiyak ng umiyak.
Kapag may nakakita siguro sa akin malamang nagpatawag na ng mental. Paano kanina pa ko iyak ng iyak habang naglilinis ng bahay.
Masikip lang sa dibdib ang mga iniwang salita sakin ni Dylan.
Akala ko noon magiging maayos kami kapag nagsama na kami sa loob ng isang bahay. Pero parang MAS lumalala lang ang galit sakin ni Dylan.
Minsan gusto ko na siyang sukuan dahil nakakapagod na yung ginagawa niya sakin. Alam ko matagal na kong TANGA pero mas pinaparamdam niya pa sakin na SOBRANG TANGA ko..
Minsan kahit anong pagod ang maramdaman ko sa pagmamahal sakanya ng sobra sobra kapag nakita ko naman siya nawawala agad ang PAGOD na iyon.
Kaya sabi ko sa sarili ko hindi ako Susuko sakanya. Tutuparin ko yung pangako ko sa harap ng mga magulang ko magulang niya na hanggang kamatayan, mananatili ako sa tabi niya. Sa hirap man o sa ginhawa..
Mabilis na natapos ang paglilinis ko. Nagpahinga lang ako saglit at umakyat na sa kwarto ko.
Pinagmasdan ko ang wedding picture namin ni Dylan na nakasabit sa pader na nakapwesto sa ibabaw ng kama ko.
Alam ko kahit pilit na ngiti ang binigay ni Dylan don, MASAYA padin ako. Dahil kahit papaano nakita kong masaya siya na kasama ako sa mga oras na yun.. Hindi ko nalang inisip na napilitan siyang ngumiti. Ang tanga diba?
Inayos ko na yung mga gamit ko. May exam nga pala kami ngayon, nagkalat ang libro sa ibabaw ng study table ko. Nag-aral kasi ako para ready sa exam..
Pagkatapos nun, agad akong naligo muli at nag ayos dahil papasok na ko kahit alam kong sobrang aga ko pa. Sa library nalang muna ako tatambay..
Pababa na sana ako ng hagdan ng tumigil ako saglit para tignan ang pinto ng kwarto ni Dylan.
Isang beses palang ako nakapasok doon, nung unang dalaw namin dito sa bahay. Simula nun hindi ko na tinangkang pasukin pa yun dahil alam kong magagalit lang si Dylan. Hanggat maari iniiwasan ko talaga ang magalit siya, pero mukang kahit anong gawin kong iwas, magagalit at magagalit parin siya sa akin.
Hindi na ako nagtagal pa, pumasok na ko sa kotse ko para makaalis na ng bahay. Nilock ko naman lahat ng bintana at pinto doon.
Oo nga pala, bumili ako ng sarili kong kotse na hindi alam ng magulang namin.Alam kasi nila si Dylan ang naghahatid at sumusundo sakin sa school. Iyon lang naman ang alam nila samin eh. Pero kahit kailan ata di na mangyayari yon.
ANG DRAMA NG BUHAY KO NO?
Well, sukli ata to sa pagiging bratinella ko.
Binabaybay ko ngayon ang kalsada ng mag ring ang cellphone ko.
Agad agad ko itong hinugot sa bag ko , baka kasi si Dylan ito. Ayaw pa naman niya ng nag-aantay ng matagal.
*Hello?
(BES!!!)
Si Rizza pala akala ko si Dylan.
Nagmadali pa naman ako.
*Ikaw pala Bes, bat napatawag ka?
(Bat parang di ka masaya na ako ang tumawag sayo? Akala mo yung GAGO mong asawa?) diniin niya talaga yung Gago.
*Ha? H-hindi naman, di lang ako nag eexpect na tatawag ka. Aniways, bat ka napatawag Bes?
(Ahmm.. Asan ka now? You see, ang aga ko kasing pumasok. Ayokong maabutan ni Sean, galit ako sakanya. Asan ka? Anjan ka ba sa house niyo? Can i go there?)
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...