A/N :
Ipagpatawad niyo pu kung ngayon lang ako nakapag update muli.. Sadyang busy lang po talaga ko sa pag aaral (WEH?) Isang hamak na estudyante lamang po ako at college na kaya kelangan natin kumayod,, HAHAHAHA
Salamat sa mga nagbabasa nito ah!! at sa mga magbabasa palang.. Eto po puso ko oh! tanggapin niyo.. Ahihihi..
ENJOY AGAIN :)
--------
FIVE(5) Same Situation?Bakit ba sa tuwing naiiyak ako at umiiyak etong lalaking to ang nakikita ko? Yung totoo TADHANA BA IRE? yAKK!! wag nalang noh may Dylan na kaya ko!
Naalala ko yung sinabi niya, Natahimik nalang ako at napaisip ng malalim. MALULUNOD NA NGA KO EH!!.. (Trying Hard maging comedian ang ating bida) Ang sama ni Author! psh ><
Pero tama naman siya diba? ako lang yung nagmamahal. To the point na next month ikakasal na kami.Di naman siya kumontra dun diba? ' wala nga daw kasi siyang choice, NAPILITAN nga lang kasi,' Sabi ng halang kong kaluluwa... Grabe kelangan ba ipagduldulan sakin yun? masakit po kaya. :(((
"Miss okay ka lang ba?" narinig kong tanong niya. Tumayo ako at umupo sa may bench malapit sa edge ng rooftop,
Hindi ko siya sinagot, nanatiling tahimik lang ako. Sa panahon ngayon all i can do is to remain silent.
"Oy miss okay ka lang ba?" Lumapit siya sakin at tumabi pero hindi naman sobrang lapit may distansya padin sa pagitan namin.. mga isang tao pa ang kasya.
Hindi ko padin siya sinasagot sa tanong niya. Nakatingin lang ako sa kalangitan.. Ang Ganda pala talaga ng langit no? Minsan tayong mga tao naapreciate ang isang bagay kapag nasasaktan tayo.
Napabuntong hininga nalang ako. Haaaaayyyy... Haaaaayyyy..Haaayyyy
"Huy bingi ka ba? okay ka lang ba kasi jan?" Ang tono niya ay magkasamang inis at pag aalala.. At this time kinalabit na niya ko.
"Pano kung isang araw ikakasal ka na?Tapos yung papakasalan mo e yung taong matagal mo ng gusto-- AY NO! matagal mo ng mahal? Pero yung taong yun e ayaw naman sayo? Kumbaga kaya lang kayo ikakasal e dahil may obligasyon siya sa pamilya niya.... A-anong gagawin mo?" hindi ko alam kung bakit sakanya ako nag kwekwento although hindi ko sinabi exactly na ako nga yun. Wala akong idea kung bakit ako nagtanong sakanya ganung di ko naman siya talaga lubos na kilala at hindi din kami lalong close. Pero may kakaiba sakanya na hindi ko maexplain....
Tinignan ko ang reaksyon niya. Nabigla ata sa tanong ko kaya nakatitig lang siya ngayon sakin. Muka namang nakaramdam siya kaya bigla siyang tumayo, akala ko aalis na siya, but no! he walks toward the other edge of the rooftop. Tumalikod siya sakin kaya naman kita ko ang braod niyang likuran. Ngayon ko lang napagmasdan ang buong katawan niya, likod nga lang pero wag ka!, pati likod niya ang GWAPO!, Pero wala lang sakin yun kasi may DYLAN na nga ako eh!!
Nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa tig-isang bulsa ng slocks niya..( siya na nakabaston!!) hahaha :D Huminga siya ng malalim tsaka nagsalita.
"Alam mo kung nakakamatay lang ang titig kanina pa ko nakabulagta dito at nag aagaw buhay,"
"WHAT?" napatayo naman ako at nagtataka sa sinabi niya. Anong gusto niyang palabasin? kanina ko pa siya tinitignan? As If naman noh! ' weh? talaga lang ah? kaya pala ampogi ng likod niya eh!!' HOy! Author! tumugil ka nga jan.. imbes na umepal ka eh gumawa ka nalang ng way para mahalin din ako ni Dylan. ' no comment-bawal spoiler eh!'
"Bakit hindi ba? Kulang nalang nga haplusin mo na yung buong likuran ko eh.."
"Ang KAPAL mo naman!! mahiya ka naman sa balat mo kahit kaunti diba" inis kong sabi, BWESET! akala ko pa man din seryoso na siya sa sasabihin niya mang aasar lang pala!!! ><
"Hahahaha.. Biro lang, seryoso na nga. Anp ulit yung tanong mo kanina?" Tignan mo toh!! ang haba na nga ng sinabi ko kanina magtatanong pa ulit.. BASTOS!
"Tsss!! ano ba yan!!" padabog kong sabi.
" Hahahahah.. Alam mo ba pareho tayo ng sitwasyon?"
Biglang nagka Question Mark sa utak ko. Meaning to say ganto din yung nangyayari sakanya? Magtatanong na sana ulit ako ng bigla na naman siyang nagsalita at nagpatuloy..
"May isang babaeng umagaw ng atenskyon ko.Matagal ko na siyang nakikita sa school, simula 1st year highschool ako, lagi ko na siyang nakikita kung san san.. Halos araw-araw ko siyang nakikita sa loob ng campus, Walang palya yun ah! Pero imbis na mainis ako natagpuan ko nalang yung sarili kong tuwang-tuwa sakanya. Nung una hindi ko pa pinapansin yung nararamdaman ko para sakanya hanggang sa makita ko siya nun sa may school garden, mag-isa lang siyang nandoon nakaupo at may earphone sa tenga. Hindi ko alam kung lalapitan ko ba siya at kakausapin o titignan nalang siya sa malayo.. Hanggang sa ayun nga tinigan ko nalang siya, di ko siya kayang lapitan eh.. Hindi naman siya malayo sa akin sapat ng hindi niya maramdamang may nakatingin sakanya. Hindi mawala ang tuwa ko nung mga sandaling yun.Napakasarap niyang pagmasdan dahil sobrang ganda niya at sobrang amo ng mukha niya. Alam ko ang ginawa ko nun eh kinuhanan siya stolen shots.. Hanggang sa tuwing makikita ko siya lagi siyang may stolen sakin.. Puno na nga halos yung kwarto ko ng picture niya eh.. (insert poging tawa) Ilang buwang inabot na ganun ang sitwasyon ko saknya, hanggang sa maging taon na rin.At dun ko narealize na Mahal ko na pala talaga siya.. Ewan ko basta minahal ko siya agad..
Pero ang nakakalungkot sa lahat,nalaman kong ikakasal na pala siya at yung lalaking ipapakasal sakanya ay yung lalaking matagal na niyang mahal... Halos ikamatay ko yun. Pero nagkapag-asa ako kasi ngayon nagkakalapit na kaming dalawa. Oo alam ko ikakasal na siya Sooner or Later pero hindi ako nawawalan ng pag asa , kaya kung ang tanong mo ay kung anong gagawin ko? isa lang ang masasabi ko hindi ako susuko dahil alam kong ang pagmamahal ay natutunan din. Hanngat kaya ko hindi ako mapapagod na mahalin siya. Dahil para san pa yung salitang 'MAHAL KITA' kung mapapagod ka din agad diba?" puno ng emosyon niyang kwento sa akin..
***
VOTE COMMENT <3
Continue supporting :))
Norns :)
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...