TWENTY FIVE (25)
A/N: Gusto ko lang po sanang magdrama sainyo.
I know hindi ganung kaganda ang simula ng story ko at madami ring typos, pero sana intindihin nalang ninyo.
Sa akin kasi SAVE THE BEST FOR LAST kaya di ganung kaganda ang simula.
Salamat ayun lang naman.
Hahahaha :'D
Enjoy this.
Marriage life na nila.
Yehheeyy!!!
------------
Ereene's POV :
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Agad agad kong kinapa iyon at tsaka pinatay.
Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at tinignan kung anong oras na.
Its 6:05 in the morning.
Umayos ako ng higa dahil nakatigilid ako kanina nung pinatay ko yung alarm clock.
Napatingin ako sa kisame ng kwarto ko.
1 Month had passed simula ng ikasal kami ni Dylan, hindi ko maiwasang di mapangiti ng mapait. Isang buwan na pala akong nagtitiis at patuloy pang magtitiis.
Napahugot ako ng isang malalim na hininga. At unti-unti nararamdaman ko na ang mga luha kong nag uunahan sa pagpatak. Ilang beses na ba to? Umiiyak ako tuwing pagkagising ko sa umaga. Eto na ata ang nagsisilbing exercise ko sa buhay.
Sa isang buwan na pinagsamahan namin ni Dylan, halos di ko naramadang kasama ko siya sa bahay na ito. Ang bahay na pinagawa ng mga magulang namin para sa aming mag-asawa.
Hindi ko alam kung anong pagkakamaling nagawa ko sakanya para tratuhin niya ako ng ganito.
Parang wala akong kasamang asawa sa bahay. Paano naman kasi nakikita ko lang siya tuwing umaga tapos ayun lang. Dahil hindi ko na siya naabutan sa gabi. Kahit mag antay ako at pumuti na ang mata ko kakantay sakanya wala paring Dylan ang niluluwa ng pinto sa gabi.
Malalaman ko nalang na umuwi na pala siya kapag nagigising ako sa madaling araw dahil sa ingay ng makina ng sasakyan niya.
Pero di na ko nag aabalang bumangon pa dahil alam kong ayaw niyang mukha ko ang bubungad sa pag-uwi niya ng bahay..
Pinunasan ko na ang luha ko dahil kailangan ko ng bumangon at maghanda ng almusal namin.
Naligo ako at nagbihis na, mamayang hapon pa naman ang klase ko pero si Dylan ay maaga ang pasok kaya kailangan kong ipaghanda siya ng makakain.
Bumaba na ako para pumunta ng kusina at magluto.
Sa totoo lang di naman talaga ako sanay sa mga gawaing bahay dahil laki ako na maraming katulong sa mansyon namin, pero dahil iba na nga ang sitwasyon namin kailangan ko ng matutunan ang magluto, maglinis, at pagsilbihan ang asawa ko. Ang tanging di ko lang ginagawa ay ang maglaba at magplantsa. Di ko kasi kaya yon. O sabihin nalang natin na AYAW KO talagang gawin ang mga iyon.
Sinimulan ko ng magluto. Hotdog, Bacon,Ham, at fried rice. Isang simpleng umagahan para sa aming mag-asawa. Napangiti naman ako dahil di ko akalaing matutunan ko ang mga ganitong bagay.
WIFE na WIFE ang dating ko nito.
Hinanda ko na ang pagkain at pinagtimpla ko siya ng kape.
All set na siya nalang ang kulang.
Habang nililigpit ko ang mga ginamit ko sa pagluluto.Nakarinig ako ng yabag ng paa na pababa sa hagdan at nakita ko nga si Dylan na bagong gising, naka sando lang siya at naka-pajama at gulo gulo pa ang buhok.
BINABASA MO ANG
I'M TAKEN FOR GRANTED(on-going)
RomanceAng istoryang ito ay umiikot kay Ereene Alcantara at sa naging asawa niyang si Dylan Monterial. Kung gaano niya katagal na hiniling na maging asawa ito, ganun din ang paghihirap niya sa piling nito. Paano na lamang kung dahil sa isang pangyayari mag...