3rd Chapter

1.1K 21 3
                                    

Nandito na ako sa school. Medyo bangag lang ang peg ko. Nakakainis! Paano ba naman kasi katok ng katok yung nanay ko. Maya't maya ata? Hindi na ko pinatahimik. Sobrang antok at pagod ako kahapon. Naloka talaga brain cells ko >.<

"AMBER!" hindi ko napansin si Luna na kasabay ko na palang maglakad. Tiningnan ko lang siya. "Bakit ganyan itsura mo? Nakadrugs ka ba? Wag mong sabihin... OMG, AMBER! Gumagamit ka ng pinagbabawal na gamot? OM--" binatukan ko nga. Ang OA! -_-

"Tanga! Puyat lang ako. Si Mama kasi, e. Nakakainis." sabi ko. Napatango tango naman siya..

"Sigurado kang hindi ka gumagamit ng drugs ah?" sinamaan ko sya ng tingin. "Ito naman, joke lang. Bilisan na natin. Male-late na tayo." sabi niya. Kung di ko lang to best frien baka nasapak ko na to.

***

[ROOM]

"VICTORIAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!" sigaw nung tatlo! Jukso! Natanggalan ata ako ng eardrums! Grabe -_______- "We missed you! Waaahhh" sabi ni Sulli. Seryoso? Magkakasama lang kami kahapon. Ang OA talaga nitong mga to. -_-

"Wag kayong OA magkakasama lang tayo kaha ---- ARAY! ANO BA?" Sigaw ko.. Paano ba naman kasi sinipa ako ni Krystal. Takte! Parang kabayo. -_- Ang sama ng tingin nila saking tatlo. 

"Ano bang problema niyo?" sabi ko sakanila. Mga mukhang nasapian tong mga to. 

"Girls, kayo talaga. Hayaan niyo na yan si Amber. May hang over pa yan sa bonding kahapon." sabi ni Vic at umupo na sa upuan niya.

At dahil katabi ko si Vic, narinig ko yung bulong niya. "Hindi alam ng mga kaklase natin na magkakasama tayo. Gumawa ng sariling palusot yang mga yan para hindi lang sabihin sa mga prof natin na magkakasama tayo. Alam mo na. Yari tayo pag nagkataon." sabi niya. Ay! Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip yun? -_-

Sobrang lutang ako ngayon. At hindi ko napansin na tapos napala ang klase. Grabe lang ang pagkalutang. Nakakayamot.

"Girls, may meeting daw ang Art Club. At makikilala na natin ang President! Omg! So excited. Kalat dito sa campus na gwapo raw ang President nun. Kaya marami laging sumasali. Gaaahhh! Tara CR tayo." sabi ni Krystal. Ayun naman pala. Kaya pala sumali kasi may gwapo. Kakaiba talaga tong mga to. -__-

"Gwapo nga, bano naman mag drawing." at sabay sabay silang nagtawanan. 

"Wala akong naintindihan." singit ko. Baka kasi nakakalimutan nila na nandito ako. -_-

"Ay, Amber! Nandyan ka pala." sabi ni Sulli. "Ay. Hindi, Sulli. Wala. Imagination mo lang ako." sabi ko. Obvious ba? Kanina pa ko nao-OP sakanila. Bwisit.

"Tseh!" sabi ni Sulli. Kahit kailan talaga. "Pag pasensyahan mo na si Sulli. Tara, CR tayo." sabi ni Vic. Bakit ganun? Parang walang nangyari? 

Hinawakan ko sa braso si Vic. Napatigil naman siya. Tumingin sakin ng nagtataka, "Bakit Amber?" sabi niya. "Ah. Wa-wala." sabi ko. May kakaiba talaga kay Vic.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon