40th Chapter

688 19 0
                                    

EPILOGUE

"Amber, saglit lang!" sabi ni papa pero hindi ko siya pinansin.

Nakakainis. Alam naman nila na malungkot ako ngayon kasi umalis na si Eli tapos ito sasabihin niya.. Ganun ba talaga ako kasama? Ayaw nila ako kasama? Hays.

Flashback

Medyo boring ngayon kasi wala akong makausap. May pasok yung apat tapos si Eli kakaalis lang kahapon. Walang makausap.

Bumaba ako para kumain pero nakita ko si Papa at Mama na nag uusap..

"Ma, Pa, ano yan?" Tanong ko sakanila. Nakita ko naman na nagulat silang dalawa. Parang nakakita ng multo. Ganda ko namang multo.

"Anak, kailangan kitang makausap." Sabi sakin ni Papa.

Medyo kinabahan ako, "Po? Bakit po?" Sabi ko naman.

"Huwag na kasi, Pa. Hindi kaya ni Amber doon." sabi naman ni Mama. Naguluhan ako. Hindi ko kaya? Ang alin?

"Anak, gusto kang kunin ng Tita Amanda mo para sa ibang bansa ka na mag aral. Tinanggap ko dahil oportunidad na yun para sayo." Sabi ni Papa.

Nagpantig naman ang tenga ko, "Ano? Tinanggap mo, Pa? Bakit? Ayaw mo na ba kong makasama?" Sabi ko.

"Hindi naman sa ganun, anak. Isipin mo, mas maganda ang oportunidad doon."

"Oportunidad? O baka naman pinagbabayad niyo lang ako sa nagawa ko kaya gusto niyo kong paalisin?" Sabi ko sakaniya.

Huminga siya ng malalim, "Gusto kong matuto kang mag isa sa buhay. Gusto kong patunayan mo samin ang sarili mo na magiging successful ka sa kabila ng lahat ng nangyari sayo. Gusto ko na maipagmamalaki kita sa lahat. Gusto ko na may maipatunayan ka sa Kris na yan kapag nagkita kayo ulit." sabi niya. Lumapit naman siya sakin, "Anak, para sayo rin naman ito. Gusto ko maging masaya ka." sabi niya.

"Masaya? Dito ako masaya, Pa. Kasama niyo." Sabi ko. Naiiyak na ko. Tinataboy na ba ko ni Papa?

"Mas magiging masaya ka kung magiging tagumpay ka." Sabi niya sabay alis.

Tumingin ako kay Mama na umiiyak, "Ma.."

"Anak, ilang beses ko ng pinilit ang Papa mo para hindi ka na paalisin pero matigas siya e." Sabi niya. Wala rin palang nagawa si Mama.

Tumakbo nalang ako palabas ng bahay namin. Nilagpasan ko si Papa. Bahala sila..

End of Flashback

Nandito ako ngayon sa playground. Kanina ko pa tinetext sila Luna pero hindi naman sila nagrereply. Ang tagal ng klase nila.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon