4th Chapter

973 17 5
                                    

Buti nalang at sabado ngayon kaya walang stress sa school. Pero takte! Ang ingay naman sa tapat. 

Narinig ko yung kalampag sa hagdanan. Papunta sa kwarto ko. Sino naman kaya yun?

"Anak!!! May bagong lipat sa tapat. Nakita ng kapatid mo. Ang gwapo daw nung lalaki." Nanay ko pala -_- Seryoso? Pati siya? 

"Eh ano? Wala kong panahon sa mga ganyan, Ma. Pati ba naman ikw? Sumbong kita kay Papa, e." sabi ko. "Berber naman. Hindi para sakin yun. Para sayo yun." sabi nya.. Naguluhan naman ako.. "Ano ulit yun, Ma?" sabi ko..

"Para sayo! Malay mo, siya na pala yung lalaking nakatadhana para sayo! Naku, Berber. Kinikilig na ko." sabi nya at humahagikgik pa. Seryoso? -________-

"MA! Ano ba? Yang utak mo! Wala akong malay pag dating sa mga ganyan. Tigilan mo ko." sabi ko. Nakakairita to si Mama. Yan nanaman siya, e. "Kaya ka napagkakamalang tomboy, e. Umayos ka nga. Maganda ka pa naman." sabi nya at labas ng kwarto ko..

Maganda raw ako! Tama ba yung narinig ko? Tsk. Bahala kayo dyan..

***

"ATEEEEEEE!!!! LABAS AKO. PLEASE!!" nagmamakaawa na yung kapatid ko.. "Ayaw. Dito ka lang. Ako ang lalabas." sabi ko sakaniya. nakita ko naman syang nag pout. Lakas makakonsensya ng pout nya. Sarap hilahin ng nguso..

"Sama nalang ako sayo." sabi niya..

"Yoko nga." sabi ko.. nakita kong iiyak na sya.. 

"Ate naman, eh! Dali na." pagpupumilit nya.. "Manahimik ka dyan, Meg.." sabi ko sakaniya..

"Waaahhh! Ate, please!!!" at umiyak na nga sya.. ang arte talaga nito.. "Takte! Oo na! Labas na! Ikaw nalang. Ako nalang magbabantay ng bahay. Bago mag alas sais dapat nandito ka na. Nainitindihan mo?" sabi ko.. nakita ko naman syang ngumiti. lagpas tenga..

"Yes, Ate!! Waaahhh. I love you.." sabi niya habang papalabas..

"Tseh!"

At dahil ako lang mag isa dito sa bahay, dahil si Papa at Mama nagtatrabaho.. Si Meg, ayun nga nagpumilit lumabas... 

Mag movie marathon nalang ako mag isa. Pero hindi ba ang boring nun? Tawagan ko kaya sila Tal? Kaso naiinis pa rin ako sakanila. Tsk. Ako na nga lang..

Gumawa ako ng snack, syempre. Boring nun kung nood lang at walang pagkain. Kung anong makita kong chichirya, ayun nalang. Hindi pa ata nakakabili ng stock si Mama. Puro trabaho kasi. -_- 

Wala ring juice. Jusko!  Boring ng life! Mag tubig nalang ako. Alas dos palang naman. Kaya nito mga 2 hanggang 3 movies. Ano bang magandang panoorin?

The Conjuring, Insidious 2 -- Teka, One More Chance!!! Omg! My all time favorite movie!!! Popoy and Basha. Leggo. Unahin ko nalang yung Insidious 2.. Tatakutin ko sarili ko, tapos papakiligin ko. Oh diba, iba talaga takbo ng utak ko. HAHAHA

***

PUTANG INA! LEGIT PALA YUNG INSIDIOUS NA YUN!!! TANGINA! DI AKO NAKAKAIN AT NAKANOOD NG MAAYOS!!! ANO BANG SUMAPI SA UTAK KO AT BINALAK KO PANOORIN MAG ISA YUN? TAKTE!!! ANG SHUNGA KO! >.<

Letse!!! Yung One More Chance na nga. Natapos ko yung putek na Insidious na yun. -_- Kaloka. Kumalog brain cells ko -____-

Di na ako uulit manonood ng horror moveie/s na nakakatakot. hindi ko pala kaya mag isa -___-

***

SHET! ETO NA! ETO NA YUNG FAVORITE PART KO SA MOVIE.. KANINA PA KO UMIIYAK, KINIKILIG, TUMATAWA TAPOS UMIIYAK ULIT.........

"Poy, ako nalang... Ako nalang u---" 

*dingdong*

TANGINA!!! MAY NAG DOORBELL PA! BASTOS!!!! BWISIT!!! SYEMPRE, NO CHOICE.. BAKA SI MEG YAN..

*dingdong*

"Saglit lang. Istorbo.." nakakainis tong si Meg. Kung kailan nandun na ko sa favorite part ko, e.

"Istorbo ka naman, Meg. Nanonood ako ng One More Chance tapos mag dodoor bell---" napatigil ako sa pagsesermon hanggang sa mabuksan ko na yung pinto...

"IKAW?" 

***

Hooray! Short update! May masabi lang ako. HAHA! 

XOXO -  A

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon