21st Chapter

729 19 5
                                    

Bakit ganun? Bakit medyo umasa ako sa sinabi ni Kris? Totoo naman kaya nun? Poprotektahan nya raw ako? Feeling ko naman totoo e. Sincere siya sa sinabi niya. Kaso nakakatakot lang mag tiwala. Hays. Bahala na.

Kanina pa ko nag hihintay dito sa sala. Ang tagal ni Kris. Sabi niya sakin lumabas daw kami. Tutal wala naman kaming pasok. Pumayag naman ako. Libre naman niya e. Wala naman masama dun. Saka tama lang yan, magbayad sya sa kapestehan na ginawa niya sakin.

*dingdong*

Agad naman akong napatayo at binuksan ang pinto.

ASDFGHJKL!!!! 

"Let's go?" pag aya nya sakin. 

"A-ah. Okay." tapos lumabas na rin ako. 

Hindi ko pa nasabi sainyo na ang gwapo nitong kasama ko. Akala mo model e. Grabe. Lahat ata ng isuot niya, bagay sakaniya. Kahit wag na syang mag damit, gwapo pa rin siya. Pero joke lang.

"Hop in." sabi niya.

Nanlaki naman mata ko, "M-marunong ka?" tanong ko.

"Of course. Yayayain ba kitang sumakay kung hindi?" 

"Sungit." 

Tahimik lang kami sa byahe. Yung mga gusto kong sabihin, hindi ko masabi..

Ang gwapo mo Kris.

Bagay sayo yung suot mo.

Ang cool mo pag nag da-drive.

"Amber."

"Ay. Ang gwapo mo Kris."

Napasmirk naman siya, "I know. Thanks."

"Ugh. Kapal mo."

"Kasasabi mo lang."

"Hindi pwedeng mag joke?"

"Haha. Oo nalang."

OMG! Tumawa siya. Kahit ang tipid lang, parang ang sarap pakinggan. Shet! Anong nangyayari sakin? Hindi pwede to!

"Bilisan mo na lang mag drive." sabi ko..

"Yes, babe."

"BABE? TIGILAN MO KO SA MGA KALOKOHAN MO, KRIS." hindi ko na napigilan..

"Okay. Relax, ba -- I mean, Amber."

"Tseh!"

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon