10th Chapter

825 19 0
                                    

Hindi pa rin tapos ang party ni Mama. Maingay pa rin yung mga kaibigan niya. Grabe! Ganoon ba nila ka-miss ang isa't isa? Wow ha?

Pero kung gaano kaingay yung mga kaibigan ni Mama, ganoon din katahimik itong mga kaibigan ko. I mean, si Krystal lang pala. Si Luna, wag mo na asahan na tatahimik. Nakakapanibago lang. Wala yung kikay at maarteng si Tal. Nasaan? Ilabas niyo. Hahaha.

Pero seryoso. Kakaiba talaga e. Nung dumating lang si Henry, biglang naging tahimik si Tal. Tapos naging mailap samin. Kulang nalang umuwi sya e. Tapos ang konti pa ng kinain. Hindi ganyan si Krystal e. Anong nangyayari? Hays.

"Girls, CR lang ako." sabi ni Tal. napatango nalang kami.

Tiningnan ko si Henry at boom! Nakatingin sya kay Krystal. Anong meron sakanila? 

"Henry." sabi ko.

mukha naman syang nagulat tapos napatingin sakin, "Oh, Amber. Bakit?" sabi niya.

"Ano kasi--" 

"ATE!!!!!!!! PICTURE TAKING DAW!!! DALI!!!" sigaw ni Meg. Anak nang.. Istorbo -_-

"Ah mamaya nalang Henry." sabi ko. napatango nalang sya

"Ready, 1 2 3." sabay click nung camera. 

-__- Lusaw na mata ko dahil dito! Kanina pa ko nasisilaw sa mga flash na yan! Ano ba naman. Pilit na nga lang ngiti ko e. Ang sakit na rin ng panga ko. -_- Kailan ba matatapos to?

"Ate, smile naman dyan." sabi ni Meg. Tapos todo ngiti sya.

"Ewan ko sayo." sabi ko. inirapan lang ako. Sarap talagang sundutin mata nito e -_-

"Shane, tayo naman. Picture tayo. Kasama si Kris at Celine." say what? O_O

"Ah. Ma, cr lang ako." sabi ko.

"Wag muna, anak! Last na to! Madali lang to." sabi ni mama.

"Pero Ma--"

"Amber, 3 shots lang. Mbilis lang to. Pagbigyan mo na ang Mama mo." sabi naman ni Papa. Wala na kong palag, si Papa na nagsabi e. 

"Okay. Ready. 1 2 3 .. smile." 

"WHAT THE? ANO BA?" bigla akong napasigaw.. 

"Amber, anak. Anong problema?" sabi ni Mama

Sinamaan ko ng tingin si Kris.. Tapos biglang lumapit yung photographer.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon