18th Chapter

698 19 0
                                    

Naalala ko, wala nga pala akong pasok tuwing martes! Kapag minamalas ka nga naman o! Ang dami ko ng plano kung paano kakausapin si Kris e. Ayoko na rin kasi patagalin. Kailangan ko na talaga syang makausap!

Anong gagawin ko? Hihintayin sa tapat ng bahay nila hanggang sa dumating siya? Hihintayin sa labas ng school ----- Putek! Pangit ng pangawala kong idea. Hindi ko na alam! Ano ba naman to! Wasak na utak ko -_-

"Ber, alis na kami ah." sabi ni mama. "Sige po. Ingat." sabi ko nalang.

Whoo! Hindi ko alam kung bakit ako napasok sa ganitong sitwasyon. Wala akong kamalay malay e. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa Kris na yun at dinamay pa ko sa kalokohan niya. Sana hindi sumasakit yung ulo ko ng ganito -_-

---

Sa sobrang gulo ng utak ko, nagpunta akong mall. Pampawala ng stress. Hindi ko na kinakaya. Mas nakakaloka kung mag isa lang sa bahay. Niyaya ko si Sulli at Luna kaso may ginagawa raw sila. Yung dalawa naman, may klase.

*boogsh*

"Naku! Sorry --"

"Amber!" pag tingin ko..

ASDFGHJKL!!!!

"Sa sobrang gwapo ko, natulala ka na. Tsk."

"P-utang --" di ko na tinuloy!

Naglakad nalang ako palayo..

Nagulat naman ako ng may humawak sa braso ko..

"Iniiwasan mo ba ko?" tanong niya sakin.

"H-huh? Bakit naman kita iiwasan?" 

"Tss. Halata e."

"Halata naman pala. Nagtatanong ka pa." sabi ko..

"E di iniiwasan mo nga ako.." sabi naman niya. Di nalang ako kumibo.. 

Maya maya hinawak nanaman nya braso ko, "Ano ba?" sabi ko..

"Easy ka lang, Ms. Lopez!" sabi niya. Sino pa nga bang tumatawag sakin ng Ms. Lopez? -_-

"Saan mo nanaman ako dadalhin, Kris?" tanong ko sakaniya..

"Kain tayo. Nagugutom ako e." sabi niya..

"Ikaw nalang, busog pa ko." sabi ko naman. Pero sa totoo lang, nagugutom na ko. Naghahanap nga ako ng pwedeng kainan, kaso minalas ako..

"Libre kita, wag kang mag alala." sabi niya.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon