17th Chapter

743 20 2
                                    

Pagkasabi na pagkasabi ni Jessica nun, parang bigla akong nabingi at nanigas sa kinatatayuan ko. Teka nga.. Ako, gusto ni Kris? Ilang katol kaya natira nito ni Jessica? Masyadong patawa, ang corny naman -_-

Pero sobra akong naguluhan doon. Paano kaya kung... Ay bwisit! Hindi! Nantitrip lang yun si Jessica. Porket nakita lang ako na kasama ni Kris, ako agad gusto? Tss. Maling akala e -_-

"Grabe, girl! You're so pretty naman." sabi ni Sulli sakin. 

Alam ko maganda ako, wag nya nalang pagkalat.. Nakakahiya kasi. Hahaha.

"G-ago." sabi ko.. Nagtawanan naman sila.

Tatawanan lang nila? Seryoso? Naloloka na nga ang brain cells ko dito tapos tatawanan lang ako? Jusko! -_-

"Ano ka ba, Amber. Maganda ka naman talaga." sabi ni Luna.

>///< Alam ko na nga. Paulit ulit? HAHAHA.

"Oo nga. Konting ayos lang." sabi naman ni Vic.

Hindi pa ba ako maayos? Tss.

"Tara, parlor tayo after class." sabi naman ni Tal.. "Oo nga. Let's go, Ambyyy." sabi naman ni Sulli.

"Kayo nalang, tinatamad ako." wala ako sa mood. Mag aaksaya lang ng pera. Ipangkain nalang yan.

"KJ. Dali na. I'll treat you." pag pupumilit sakin ni Sulli.. 

"Libre mo nalang ako ng pagkain sa cafeteria." sabi ko. Ngumuso naman sya at umiling, "I don't like. Bahala ka dyan." sabi niya. Di wag! Daming arte -_-

"Ge. CR lang ako." sabi ko at tumayo na..

Kailangan kong magmuni muni. Baka hindi ko na kayanin to at bigla akong himatayin..

-

[CR]

"Girl, alam niyo ba yung nangyari kanina?" sabi nung isang babae.. 

Palabas na sana ako nang.. "Oo, si Amber, si Kris at yung bagong girl dito sa campus." t-teka! Ako yun ah! Ano ba naman yan? Hanggang dito ba naman? -_-

"Grabe yung girl. Hindi ko kinaya." 

"True! Ang lakas ng loob mag eskandalo,  bago palang sya dito."

"I know right. Siguro kaya iniwan ni Kris yun kasi putak ng putak." sabi nung isa at nagtawanan naman sila..

Hindi ako makalabas dito. Parang sabi ng isip ko na dito lang muna..

"Pero girl, wagi si Amber!" 

"Ay! Oo nga! Akala ko tomboy yun." at nagtawanan nanaman sila..

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon