30th Chapter

548 13 0
                                    

Hindi ako makapagisip ng matino. Parang kinain ng buong buo yung utak ko! Ano bang nangyayari? Bakit lahat ng to nangyayari?

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi. At ngayon humahagulgol na rito sa kwarto ko. Alam ko naman nagdududa na rin sila Mama pero wala akong sinasabi sakanila.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Siguro ganun talaga kapag napagod ng sobra yung mata mo kakaiyak.

Nakakapagod naman talaga. Yung tipong gusto mo nalang matulog habambuhay. Sa dami ng problema. Puro nalang sakit. Wala bang saya? Napapaisip ako.. Ang bata ko pa masyado para sa mga ganitong problema.

Usually, at my age, puro pag aaral at mga prof lang ang problema. Tho, may lovelife rin, pero hindi katulad ng akin. Bakit? Bakit ako? Bakit sakin nangyayari to?

Bigla naman may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Nak, si Mama to."

"Pasok po." sabi ko.

Pumasok naman siya at agad na lumapit sakin. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Nakikita ko na naaawa sakin si Mama. Naiiyak nanaman ako.

"Baby, alam ko may problema ka. Hindi kita pipilitin na magsabi kung ano man yan. Pero lagi mong tatandaan na nandito lang ako. Kami ng papa mo." sabi niya at niyakap ako.

Bigla nanaman tumulo luha ko. Akala ko wala na kong malalabas na luha. Pero ito sila, naguunahan pang bumagsak. Ang dami ko pa palang tubig sa katawan.

"Ma, pagod na ko." sabi ko sakaniya.

Tumingin siya sakin, "Anak, lahat naman tayo napapagod. Ano bang ginagawa kapag pagod ka na? Diba nagpapahinga?" sabi niya. Tumango naman ako.

"Yun ang gawin mo, ang magpahinga. At kapag okay ka na, saka ka ulit kumilos at lumaban. Alam kong gusto mo yang pinaglalaban mo. Kasi hindi ka naman mapapagod kung hindi diba?" nakikinig lang ako sakaniya. Hindi ako kumikibo.

"Kung pwede lang, Amber. Kung pwede lang na ipasa ang sakit na nararamdaman mo ngayon.. Kung pwede lang ilipat, ipapalipat ko yan sakin ngayon para hindi mo na nararamdaman. Mas nasasaktan kasi ako sa nakikita ko ngayon, anak. Wala akong magawa." sabi niya sakin. Nakita kong tumulo rin ang luha niya.

Lalo akong napaiyak at niyakap ko siya.

"Ma, okay na ko. Okay na ko kasi alam kong hindi mo iiwan. Hindi niyo ko iiwan. Tama ka nga po siguro, kailangan ko mag pahinga. At kapag maayos na ko, saka ko na haharapin yung taong kailangan kong harapin." sabi ko sakaniya.

Ngumiti naman siya sakin, "Halika na. Bumaba ka na at kumain. Sumabay ka na samin. Ilang araw ka ng hindi kumakain ng niluluto ko. Nagtatampo na si Mama." sabi niya.

Natawa naman ako, "Mama talaga parang bata. Tara na nga. Gutom na rin po ako e." sabi ko sakaniya.

Ngumiti siya at bumaba na kami.

--

"Amber, kamusta second sem?" tanong ni Papa.

Sabay sabay kaming kumakain.

"Okay naman po, Pa. Wala pang masyadong ginagawa kasi first week palang naman po." sabi ko.

Totoo naman, walang masyadong pumapasok na prof.

Tumango naman si Papa.

"Siya nga pala, nabalitaan niyo na ba na aalis na sila Shane dyan at lilipat na sa ibang bansa?" tanong ni Papa.

Nanlaki naman ang mata ko at agad napatingin kay Mama. Nakatingin din siya sakin.

"A-ano po? S-sino po nagsabi?" alanganin kong tanong.

"Nakausap ko kasi si Shane nung isang araw. Pinilit siya ni Kris na tumira na sa ibang bansa." sabi niya.

Hindi mag sink in sakin yung sinasabi ni Papa. Basta ang alam ko kailangan kong makausap si Kris. At pigilan siya.

Hindi ko na talaga kakayanin kapag lumayo sya sakin ng tuluyan..

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon