14th Chaper

798 15 1
                                    

Jusko! Hindi ako makatulog dahil doon sa sinabi ni Kris. Ano ba naman yan? Mukhang pinagtitripan lang ako nun e. Ang bata pa nya para mag asawa. Pero..... hindi ko pala alam kung ilang taon na sya. Malay ko ba? Hays. 

Ano ba? Bakit ganito nalang ako kung mag isip sakanilang dalawa. Dapat wala akong pake. Pero bakit sobrang apektado naman ata ako? Hmm. May mali. Nakakainis. 

Anong oras na! Jusko! Kailangan ko ng matulog. 

-

"AMBER, GISING NA! MALE-LATE KA NA!" narinig kong may sumisigaw sa labas ng kwarto ko. Eh parang kakatulog ko palang. Ano ba naman yan...

Tamad na tamad talaga akong bumangon. Sobra pa akong inaantok. Hays. Kasalanan to ni Kris at Jessica. Masyado nilang ginulo yung utak ko. Bahala na. Hindi nalang ako papasok. Mamaya nalang hapon.

Nagulat nalang ako ng may naramdaman akong umupo sa kama ko. 

"Ate, gising na! Sabay tayong papasok diba?" pag tingin ko si Meg.

"Mauna ka na. Mamaya pa ko papasok. Inaantok pa ko." sabi ko.

"Susumbong kita kay Mama." hala. Nanakot pa. 

"Sumbong mo."

Naramdaman ko namang umalis na sya kama.

"ATEEEEEEEEE!!!! ANO BA! BANGON!!!! SABAY TAYONG PAPASOK! GISING!!!!" sigaw nya habang niyuyugyog ako.

Napabangon ako, "Ano ba naman, Meg. Sinabi ng inaantok pa ko diba? Mamaya pa ko papasok. Di mo ba naintidihan? Sumabay ka nalang kay Papa. Badtrip!" sabi ko sabay higa at takip ng unan sa mukha ko.

Nakakainis. Sinabi ng antok na antok ako tapos yuyugyugin ako. Tss.

Lumabas na si Meg ng kwarto. Hay! Makakatulog na ko ng maayos. 

-

Half day lang ako ngayon. E sa sobrang antok ako e. 1pm na ko nagising. Buti 2:30 pa next class ko. 

Nandito na nga ko sa school, e. 2:15 na. Siguro yung apat nasa canteen pa. O di kaya nasa CR. Nandyan lang yang mga yan, pakalat kalat.

Nakita ko naman si Jessica na pumasok ng kwarto. May kasama siya. Maganda. Baka ito yung bext friend niya. Pero wala akong pake. Dahil sakanila, hindi ako nakatulog ng maayos at nakapasok ng maaga. Tss.

"Hi, Amber. Si Tiffany nga pala, best friend ko." sabi ni Jessica.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon