5th Chapter

971 18 7
                                    

"IKAW?" O____O sa sobrang gulat ko, muntik ko ng mabalibag sakaniya yung pinto.

"Oo. Ako. Alam ko ng gwapo ako. Pikit pikit din. Malapit ng maluwa yang mata mo." sabi niya. The nerve. Ang kapal ng mukha nya! Teka... "Paano mo nalaman na.." pinutol nya yung sinabi ko...

"Kami yung bagong kapitbahay nyo. Wag tanga, Amber. Pinapabigay lang to ni Mama dahil binati sya ng mama mo kanina. At magkaibigan na raw sila." sabi nya. Wow! Kahit kailan talaga si Mama. Gagawa at gagawa ng paraan -_-

Kinuha ko yung dala niya, "Sige. Paki sabi sa mama mo, salamat. Wala pa kasi sila Mama, e." sabi ko..

"Hindi mo man lang ako papapasukin? Ganyan ka ba sa mga bisita mo?" sabi niya.. "Excuse me? Kailan kita naging bisita? At wala akong balak papasukin ka sa bahay namin. Baka kung ano pang maisapn mong gawin. Knowing you, masama ugali mo." sabi ko sabay rolled eyes.

Shiz! Naiirita talaga ako sa pagmumukha nya >____<

"Grabe ka naman kung manghusga. Bakit, close ba tayo? Kung makapagsabi ka ng masama ang ugali. Tsk tsk. Anong tingin mo sa sarili mo, mabait?" sabi nya at nag smirk pa. Kapal ng mukha!

Okay, Amber, calm down!!! I managed myself to calm down. And I did it! I sighed, "Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi ka ba tinuruan sainyo na bawal magsinungaling?"

Pero bago pa nya ko masagot biglang may sumulpot na maliit na babae.. "Kuya, mom's looking for you. Come on, let's go home.." kapatid pala. Ang ganda ng kapatid nya. Ang angelic ng mukha. At mukha rin naman mabait..

Napansin ako ng kapatid nya, "Hey! You're Amber right! Omg. I'm Celine. Kris' little sister. Nice to meet you." sabi niya. Ang cute cute niya.. Ang lively niya..

Pero nagtataka ako, paano niya ko nakilala? "Ah. Yeah. I'm Amber.. But, how did you know me?" tanong ko..

"My kuya is always telling stories asgdjskalaabakalaakja.. KUYA!!!!" sabi niya. Bastos talaga tong si Kris! Nagsasalita pa kapatid nya, e.

At oo! Si Kris nga po ang kapitbahay namin. Itong kapreng masama ang ugali. Ang malas nga naman >_<

"It's getting late. We're going home." sabi niya.. "Eh.. But kuya.." sabi ng kapatid niya. I wonder bakit hindi sila magkaugali -_-

"Uwi na kami. Ge, salamat." sabi nya sabay alis. Bitbit yung kapatid nya. Lumingon sakin yung kapatid nya at nag wave. Ang cute cute talaga..

***

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon