34th Chapter

507 16 0
                                    

ELI's POV

Nagpaalam sakin si Amber na aalis daw muna siya. Hindi ko na tinanong kung saan. Sanay na naman ako dyan. At mamaya, uuwi nanaman na lasing at umiiyak. Hindi ba sya napapagod o naaawa man lang sa sarili niya? Ako kasi awang awa na sakaniya.

Isang linggo na ng magkita sila ng nanay niya at yun din ang araw na itinakwil sya nito. Alam ko ang nararamdaman ni Amber dahil tulad niya, tinakwil ako ng mga magulang ko ng malaman na bakla ako. Hindi ko rin naman sila masisisi. Ako lang ang isang anak nilang lalaki. At pangarap talaga nilang magkaanak ng lalaki pero ito pa ginawa ko. Hindi ko rin naman kasalanan at hindi ko rin ginusto na ganito ang mangyari. Nakatadhana lang talaga na maging bakla ako.

knock knock

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Malamang, saan ba kakatok yan? Alangan naman sa bintana. Tsk.

Binuksan ko ang pinto..

Hala jusko nasa heaven na ba ako? Ang gwapo nitong nasa harap ko..

Nahalata ata niya na sobra akong nakatitig sakaniya kaya inayos ko ang sarili ko. Lalaki ka, Eli! Tandaan mo yan!

"Sino ka?" tanong ko sakaniya.

"Nandyan ba si Amber?" pabalik na tanong niya sakin.

Bastos naman nito. Tinatanong ko kung sino siya tapos tatanungin niya ko kung nandito si Amber -

"Amber? Bakit hinahanap mo si Amber?" nagtataka kong tanong.

Oo nga. Paano niya nakilala si Amber? 

"Nandyan ba siya?" 

Huminga akong malalim. Masasapak ko na tong lalaking to. Kahit gwapo pa siya, "Kanina mo pa hindi sinasagot mga tanong ko. Sino ka ba at anong kailangan mo kay Amber?" naiinis kong sabi sakaniya.

Nakita ko naman na kumunot noo niya, "Ikaw, sino ka ba?" aba!

"Boyfriend ako ni Amber. Naglilive in na kami. May problema ka ba doon?" matapang na sagot ko sakaniya. Pero sa totoo lang, medyo nasusuka ako sa sinabi ko. Aba! Ano bang malay ko kung sino siya. Mamaya may balak syang masama kay Amber e..

Ilang segundo pa pero hindi pa rin siya kumikibo, "May kailangan ka pa ba?" tanong ko sakaniya.

Tiningnan niya lang ako, "The fuck. You're gay. How come you and Amber are in a relationship?" napalaki ang mata ko sa sinabi niya.

"A-anong sabi mo? Gago ka ah!" sabi ko. Medyo kinabahan pa ko..

"Tss. Where's Amber?" maangas na tanong niya.

"Why would I tell you? Sino ka ba?" sabi ko sakaniya.

"Hindi importante kung sino ako. Ang importante ay kung nasaan si Amber." sabi niya sakin.

"Wala dito." sabi ko sabay irap.

"Confirmed." pabulong niyang sabi.

"Hoy gago! Narinig ko yun ah." sabi ko.

Medyo natawa naman siya. Gwapo niya talaga. Jusko! Ang swerte ni Amber. May ganito pala syang barkada bakit hindi niya ko pinakilala? Selfish ni Tomboy ah. Tsk.

"I'll be right back. Text or call me when she got home." sabay abot sakin ng papel na may number niya. Nice. Textmate kami. Medyo kinikilig ako. Hihi.

"Eli, nakauwi na ko." may biglang sumigaw..

"Amber!" sabay pa namin sabi nung lalaki.

--

AMBER's POV

Nagpaalam ako kay Eli na aalis ako. Mother's day kasi ngayon. Balak ko pumunta sa bahay. Pero syempre hindi ako magpapakita. Iiwan ko lang tong regalo ko sa labas ng bahay. Tinakwil na ko ng nanay ko, alangan naman magpakita pa ko sakaniya.

Nandito ako na ko sa labas ng bahay namin. Naiiyak ako. Kung hindi sana ako nagloko at naglayas hindi naman mangyayari ang lahat ng to. 

Inilapag ko ang regalo ko sa harap ng bahay. Sana magustuhan ni mama. Sana hindi niya itapon. Sana lang talaga..

Hindi ako umuwi agad. Nandito ako nagtatago sa likod ng poste na malapit samin. Gusto ko lang makita na kinuha nya yung regalo ko.

Maya maya pa bumukas ang pinto at iniluwa nito si Meg. Tangina! Namimiss ko na si Meg. Lumaki siya pero medyo pumayat. Gusto kong tumakbo papalapit sakaniya at yakapin siya pero di ko magawa. 

Nakita ko naman na pinulot ni Meg ang regalo at nakita kong lumabas din si Mama. Tumingin tingin pa siya sa paligid. Nagtataka siguro kung kanino galing. 

Naiyak naman ako sa susunod na nangyari...

Tinapon niya ang regalo ko..

Sabagay, kung ako rin yun ganun din siguro gagawin ko. Wala kasing card o letter yun. Basta regalo lang. At may nakasulat lang na, "Happy Mother's Day" 

Pero hindi ba niya alam o namumukhaan man lang  hand writtern ko? Kung sabagay, matagal na kong wala sa bahay. Baka nga nakalimutan niya.

--

Naglalakad na ko pauwi. Malayo yung bahay ni Eli sa bahay namin. Sumakay pa ko ng jeep at bumaba dito sa kanto. Nasa dulo kasi bahay nila Eli. Akala siguro niya mamaya pa ko uuwi at maglalasing nanaman. 

Ganun naman kasi lagi. Sa tuwing magpapaalam ako na umalis, pag uwi ko bangenge na ko. Magugulat nalang ako kinabukasan nasa bahay na ko. Minsan nahihiya na rin ako kay Eli. Alam kong sobrang pabigat na ko sakaniya. Pero babawi ako sakaniya kapag okay na ko.

Sa di kalayuan nakita kong may lalaki na nakatayo sa harap ng bahay ni Eli. Aba, itong baklang to. Tanghaling tapat lumalandi. Sumigaw ako, "Eli, nakauwi na ko."

Lumingon ang lalaki at sabay pa nilang sinabi ang pangalan ko.

Napatingin ako sa lalaki...

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon