19th Chapter

725 23 0
                                    

Parang gago talaga tong kapreng to -_- Ano nanaman trip niya? Kaya ako napapasama kay Jessica.

"Talaga bang malaki ang galit mo sakin?" tanong ko sakaniya. 

"Huh?" sagot nya..

"Gago! Gusto mo talaga akong napapahamak eno? Lumayo ka nga sakin. Tss." sabi ko sakaniya. Medyo natawa naman sya sa sinabi ko, "Anong nakakatawa?" sabi ko..

"Ikaw." bigla ko naman syang sinamaan ng tingin. Hayup to! Ako raw nakakatawa. Nagjoke ba ako? Di naman diba? May topak pa ata to! -_-

"Haha. You're too scared of Jessica and you don't even recognize my existence." sabi niya. Iimik na sana ako kaso nagsalita sya ulit, "Ms. Lopez don't be afraid. I'm here. I'll protect you." sabi nya at nginitian nya ako. Nabuga ko naman yung iniinom ko! The fuck lang diba? Anong problema nitong lalaking to? -_-

"Crazy." sabi ko..

"Over you." ANAK NG PITONG PUT PUTING TUPA! -_______-

Di ko nalang sya pinansin. Baka masapak ko lang sya e. Nagtitimpi pa ako! -_-

"Okay. Let's start." sabi niya..

"Asawa ko siya, asawa niya ako. Iniwan niya ako sa di ko malaman na dahilan. Hinabol ko sya.. pinigilan ko siya.. pero hindi sya nag papigil. Hindi man lang nya ako sinubukang kausapin pagtapos nya akong iwan. Naghintay ako... Email, chat, text at tawag. Pero ni-isa, wala akong natanggap. Sobrang sakit lang. At nakakapagod din. Ganun pala yung feeling, bigla ka nalang mapapagod at magsasawa." sabi niya. Hindi ako nakaimik! Hindi ko naman alam sasabihin ko e.

Nagsalita ulit siya, "Gusto ko na makipag-hiwalay sakaniya, pero siya ang may ayaw ngayon. Unfair no? Nung gusto nyang umalis, nakaalis sya. Pero ako, ito lang gusto ko, hindi pa nya mapagbigyan. Hindi pa ba sapat yung tatlong taon akong naghintay at nag dusa ng dahil sakaniya? Gusto ata nya habambuhay ako magdusa e." sabi pa nya. 

Tahimik lang ako.

"Wala ka man lang bang imik dyan? Mapanis laway mo." sabi niya sakin.

Nagulat naman ako, "W-wala." sabi ko nalang.

"Sinabi ko sakaniya na may iba na akong gusto. At ikaw yun." nanlaki naman ang mata ko..

"Pero syempre, joke lang. Para tigilan na nya ako." ASDFGHJKL

"Dinamay mo pa ko sa kalokohan mo! Ang sama talaga ng ugali mo! Hindi mo alam kung gaano na kasakit ang ulo ko ng dahil sainyong dalawa!!!" inis na sabi ko sakaniya. Badtrip to!

"Okay. I know, that's my fault! Pero ikaw nalang naisip ko since ikaw naman tong laging malapit sakin." napatingin ako sakaniya ng nagtataka. "Malapit sayo?" natanong ko bigla..

Tumango naman ang gago, "Sa totoo lang kasi, hindi na ko kumausap ng babae bukod kay Mama. Pagtapos nung nangyari samin ni Jes, feeling ko lolokohin at iiwan lang din naman ako ng mga babae, kaya pinigilan ko na yung sarili ko na ma-attach sa mga babae." pagpapaliwanag nya.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon