20th Chapter

683 16 1
                                    

Hindi ako makapagsalita hanggang ngayon. Nasaan na dila mo, Amber? Nganga ka lang? 

"Sorry."

Napabalikwas ako. 

"Sorry? Gusto mo talagang nadadamay ako sainyo eno?"

Naiinis ako. Oo! Yun nga.

"Wala na kong choice."

"Wala ka ng choice kaya pati ako sinali mo sa problema niyo? Ganun ba?"

"I'm really sorry."

"Bullshit!"

At pagsabi ko nun, umalis na ko. Naiinis talaga ako. Lalo lang gugulo buhay ko. 

Sasabihin ko kay Jessica na hindi ko naman talaga boyfriend si Kris.

---

"Anyare sayo te?" nagulat pa ko. Pagtingin ko si Luna lang pala.

Nandito na ko sa school. Half day lang. Midterm e.

"Wala." sabi ko.

"Girls, nag review kayo?" sabi naman ni Vic.

Tumango naman sila. 

"E ikaw, Amber?" 

"Huh?"

"Wala ka sa sarili mo. May problema ka?" tanong ni Krystal.

"W-wala. Okay lang ako." sabi ko at nginitian sila.

Natapos yung test na parang hangin. Buti nalang kahit hindi ako nag review, alam ko yun. Takte. Baka mabokya ako ng wala sa oras e.

Nagulat ako ng may humawak sa balikat ko.. "Jessica."

Nilingon ko siya at bigla nya kong sinampal ng malakas.

"What the fuck?" sabi ko.

"You deserve it." sabi niya.

Nagulat nalang ako ng may sumampal sakaniya.. Pag tingin ko..

"Krystal."

"Wala kang karapatan na sampalin ang kaibigan ko. Mas nararapat sayo yan. Pathetic loser. Let's go, Amber." sabay hatak sakin. 

Hindi ko alam irereact ko. Biglaan ang mga nangyari.

--

"Gahd! Sobrang baliw na sya." -Krystal

"Hindi mo na dapat pinatulan." sabi ko.

"What?" inis na sabi niya.

"Ayokong madamay pa kayo." 

"The hell! Damay na kami nung una palang dahil kaibigan mo kami."

Gusto kong umiyak pero hindi ako maiyak. Ganito ba ko katigas? 

"Amber..." sabi ni Victoria at niyakap ako.

"We're here lang naman, Tombs. Kaya mo yan." -sulli

"Thanks."

--

Hindi muna ako pumasok ngayon. Masyado pang mainit yung mga pangyayari. Baka kung ano lang magawa ko kay Jessica. Nabigla ako kahapon kaya wala akong nagawa. Ngayon lang nag sink in sakin na sinampal nya ako. Nanggigigil ako. Sarap bugbugin.

"Nak, baba dyan. May naghahanap sayo." sabi ni Mama.

"Sino po?"

Hindi ako sinagot ni Mama kaya bumaba nalang ako.

Pero dapat hindi ko nalang pala ginawa..

"Amber."

"Who you?"

"Please! Sorry."

"Busy ako. Makakaalis ka na."

"Hindi ako pumasok kasi sabi nila hindi ka raw pumasok e."

"So? Utang na loob ko pa?"

"Amber naman."

"Stop it! Just stay away from me, Kris. Napapahamako ako sayo. Baka sa susunod, matagpuan nalang yung bangkay ko kasi--"

Hindi ko natuloy yung sinasabi ko kasi bigla nya kong niyakap.

"Hindi ko hahayaan na may gumawa sayo nun. Poprotektahan kita, Amber. Promise."

---

A/N

SUPER SHORT UPDATE.

Merry Christmas po. :)

XOXO - A ♥

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon