6th Chapter

912 19 0
                                    

Walang maganda sa umaga! Peste! Ikaw ba naman, e.. Daanan ka lang ng mga kaibigan mo. At sobrang malas pa, nakasalubong ko pa yung kapreng yun! >.< Di ko matanggap! Bakit ganito simula ng araw ko? Bwisit!!!!

Yung apat na yun akala mo walang ginawa sakin? Matapos nila akong....... "AMBER!!!" natigil ako sa iniisip ko at nilingon yung taong tumawag sakin... 

"Oh, Henry. Kamusta?" si Henry. Barkada ko. Malapit lang din sa subdivision namin. Kalaro ko to sa basketball. At takte, dati dito ko pinares ng nanay ko. -_-

Sabi sainyo, mas desperada pa nanay ko kesa sakin..

"Okay naman ako. Ikaw?" sagot niya.. "Okay lang din ako.." sabi ko..

"Bakit nga pala di ka na pumupuntang court? Dami ng nakakamiss sayo. Hahaha." sabi niya habang tumatawa.. "Saka, may bagong salta. Diba pag may bago, ikaw kumikilatis? Punta ka mamaya." sabi pa niya..

Hahaha. Oo nga pala. Yung mga tropa ko doon. Kapag may bagong salta sa court, ako lagi tinatawag. Mas magaling pa nga ako sa iba. Di naman sa pagmamayabang. Ganun lang talaga..

Tiningnan ko si Henry, "Ge. Hintayin mo ko mamayang 2pm. Sabay na tayo." sabi ko..

"Talaga? Yes! Namiss kita... este ng tropa pala.. HAHA" sabi niya. Gago talaga to! Kung hindi ko lang tropa to, mapagkakamalan ko ng may gusto to sakin. Hahaha. Lakas ko! Ge. =)))


"Oo na. Tutal namiss ko rin kayo. Basta mamaya." sabi ko. sabay alis..

Pumasok na ko sa kwarto. Parang wala lang. Yung apat, naguusap. Kunwari hindi ako nakita. Parang hindi ako nageexist sakanila. Ha! Sila pa may ganang magalit ngayon? Ayos ah. Hinayaan ko lang sila. Akala naman nila lilingunin ko sila. Asa! Kilala nila ako. Alam nilang hindi ko sila susuyuin. Manigas sila.

Natapos na ang klase ko. At saktong lunch break naman. Uuwi nalang ako para sa bahay mag lunch, bawas gastos pa. 

Pero naiinis pa rin ako. Hindi pa rin nila ako kinakausap! Grabe! Ako ang dapat magalit sakanila diba? Di ko na alam. Hayaan ko nalang..

Medyo nagmamadali rin ako kasi diba nga magkikita pa kami ni Henry. Grabe! Namiss ko rin talaga mag basketball at tumambay sa court kasama yung tropa. Akala nga nila nung una, lalaki ako. -_- Pero syempre, pinalagpas ko na. Sanay nanaman ako, e.

Pero bago pa ko makalabas ng gate, may humarang sakin.. isang KAPRE!

"Problema mo?" sabi ko sakaniya habang nakataas yung kanang kilay ko..

"Wala naman. Yayayain sana kita na sumabay sakin pag uwi. Medyo hindi ko pa kasi kabisado, e." sabi niya. Sus. Gusto niya lang ako makasabay. Mga segway nito..

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon