39th Chapter

556 15 0
                                    

Masaya naman ako dito sa bahay. Sa totoo lang, para ngang walang nangyari e. Ganun pa rin sila Mama sakin. Pero pakiramdam ko, may kulang pa rin.

Kris..

Kahit anong gawin ko, hindi pa rin matanggal sa sistema ko si Kris. Walang araw hindi ko siya inisip. Nag aalala ako kung okay na ba siya.. Kung masaya siya.. Kung kumain na ba siya.. Kung.. Kung mahal pa rin niya ako..

Hay. Paano kung ayaw na niya sakin? Iniisip ko palang, parang dinudurog na puso ko. Paano pa kaya kung totoo?

--

"AMBER!!!"

Napatalon ako sa kama dahil sa sigaw na narinig ko. Nagulat ako ng nakita ko sila..

"Surprise!" sabi nila.

Hindi ako makapaniwala na nandito sila ngayon..

"Omg, girls. Namiss ko kayo." sabi ko sakanila.

"Gaga! Mas miss ka namin." sabi  naman nila.

Tumabi sakin si Vic at niyakap ako..

"Daya! Kami rin!" sabi naman ni Luna.. Lumapit silang tatlo at nakiyakap din.

"Namiss ko to" sabi ko.

"Tomby! Omg. You look so payat na." sabi ni Sulli

"Conyo ka  pa rin." sabi ko sakaniya. Nagpout siya kaya natawa ako. Hindi pa rin siya nagbabago.

"Hoy! Babaita! Bakit ngayon ka lang nagpakita samin?" tanong ni Luna.

"E ikaw, bakit ang ingay mo pa rin?" sabi ko naman.

"Oo nga, Amber. Alam mo bang miss na miss ka na namin. Lagi ka namin tinatanong kina Tito at Tita." sabi naman ni Vic.

"Sorry, guys. Ngayon lang ako natauhan sa katangahan ko e." sabi ko naman.

"Buti nga natauhan ka na. Akala namin forever ka ng tanga." sabi ni Krystal sabay irap.

"Mataray ka pa rin. Kaya walang nanliligaw sayo, e. Takot mga lalaki sayo." sabi ko.

Napahagikgik naman si Sulli sa sinabi ko kaya binato siya ni Krys ng unan.

Hmm.. May something ata. "Okay, spill." sabi ko.

"Spill what?" tanong ni Krystal

"Alam kong may something. Kahit matagal akong nawala, kilalang kilala ko na kayo. So, what's new?" sabi ko sakanila.

"Aba! Gumaganyan ka na ngayon, Amber. Bakit, babae ka na ba?" sabi sakin ni Luna. Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Haha joke lang. To naman, di na mabiro." sabi pa niya sabay peace sign. Sarap konyatan nitong daldalitang to, e.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon