33rd Chapter

527 15 0
                                    

Months passed. Yes! Months. And it was a very wasted month for me. Napabarkada ako. Inom dito, inom doon. Hindi na nga rin ako pumapasok e. Pati ako wasted na. Pinalayas na rin ako ni Mama nung malaman nya na hindi ko binabayad yung binibigay nyang pera para sa tuition fee ko. Pinangiinom ko lang.

At heto ako ngayon, umiinom nanaman. Walang linggo ang lumipas na hindi ako umiinom. Tibay ng sikmura ko, hindi nagsasawa sa alak.

Gabi-gabi rin pagtapos namin uminom, napapaiyak nalang ako. Nagsisisi ako sa mga nangyari. Sa mga nagawa ko. Alam kong hindi na maibabalik yun.

Sila Mama? Galit pa rin sila sakin. Pumunta ako once sa bahay, pero nakita ko naman na masaya silang tatlo kaya hindi ko na sila inabala..

Yung mga kaibigan ko naman wala akong contact. I mean, hindi ko sila macontact noong kailangan ko sila. Hindi ko nanaman sila kailangan ngayon kaya wala na kong pakelam sakanila.

Buti pa tong mga kaibigan ko ngayon, ayos na ayos. Puro happy happy. Saya kasama. Puro lang kami tawa.

"O, ikaw na Amber. Shot mo na." sabi ni Eli. Kasama ko sa pag inom.

"Tangina mo! Kakainom ko lang, ako nanaman?" sabi ko. Tumawa naman sila. Mga gagong to, dadayain pa ko.

Palibhasa, hindi nila ako nalalasing. Mautak ako. Kapag alam kong hindi ko na kaya, kunwari iinumin ko.Pero ang totoo, itatapon ko. Wala naman nakakapansin nun kasi puro na sila lasing.

"Sige na, ako nalang iinom." sabi niya.

Tawa lang kami ng tawa. Kung ano lang mapagkwentuhan namin. Magmumurahan, magsisigawan. Buti nga walang napipikon dito. Mababait naman sila lalo na pag lasing. Hahaha.

"Salamat mga par. Bukas ulit." sabi ni Rey. Isa sa mga kasama ko rin na umiinom..

"Ge." sabi ko nalang.

Dito ako nakatira ngayon kay Eli. Si Eli, hindi alam ng tropa na bakla. May gusto sya kay Mike. Isa rin sa mga kasama namin uminom. Magaling magpanggap si Eli. Kaya gusto rin ni Eli na may inuman lagi. Jackpot pa sya kapag lasing si Mike. Matik na.

"Girl, kailan mo balak umuwi sainyo?" tanong nya sakin.

"Pinapalayas mo na ba ko?" sabi ko sakaniya.

"Bakla ka. Hindi naman sa ganun. Pero syempre, may pamilya ka pa. Nag aalala na yun sayo." sabi niya sakin.

Napataas naman ako ng kilay, "Patawa ka ba? Sila nagpalayas sakin tapos mag aalala sila. Abno ka na talagang bakla ka." sabi ko sakaniya.

"Naku, girl. Akala mo lang. Galit lang ang madir dear mo nun kaya ganun. Alam kong hindi ka nya matitiis kasi anak ka nya at mahal ka nya." sabi niya sakin.

"Sabi mo e." walang gana kong sagot at umakyat na.

Pagod na ko para makipagtalo pa sakaniya. Kung mahal talaga ako ng pamilya ko, hindi nila ako palalayasin at iintindihin nila ako..

Hindi naman kasi nila alam kung gaano kasakit maiwan ng taong mahal na mahal mo. Magmukhang tanga sa paghabol sakaniya pero babalewalain ka lang.

Lagi kong iniisip, sana hindi ko nalang nakilala si Kris para hindi ako nagkakaganito ngayon. Sobrang sakit..

Nang dahil sakaniya... Nawala lahat sakin.. Pati pamilya ko..

--

Nagising ako kinabukasan at sobrang lala ng hangover ko.

Tangina naman. Di pa ba ko sanay? Halos pag gising ko, ganito naman lagi e. Bumaba ako at iinom ng malamig ng tubig. Yun naman lagi kong ginagawa..

Nasa kusina na ko ng mahagip ng mata ko na may kausap si Eli.

"Eli, sino y---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko..

"Anak." yan ang narinig ko sakaniya.

"Sino ka?" sabi ko sakaniya.

"Anak, Amber. Patawarin mo na si Mama." sabi niya habang umiiyak.

"Pinapatawad na kita. Umalis ka na." sabi ko.

"Amber." sabi ni Eli. Tiningnan ko siya ng masama, "Iwan ko muna kayo." dagdag pa niya.

"Umalis na kayo." sabi ko.

"Hindi ako aalis hangga't hindi kita kasama." pagmamatigas ni Mama.

"Isama mo yung aso ni Eli." sabi ko sakaniya.

"Amber, anak." sabi niya at hinawakan ang braso ko..

Nagpumiglas ako hanggang sa mabitawan niya ko, "Anak? Hindi mo na ako anak. Hindi na rin kita nanay. Diba pinalayas mo na ako? Noong panahon na yun, parang sinabi mo na rin na tinatakwil mo na ko. Wala kang kwentang ina."

*PAK*

Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sakaniya.

"Hindi naman kita ganyan pinalaki. Hindi ako nagpakapagod para lang bastusin mo. Hindi ako nagtiis at nagtrabaho ng maayos para lang sagot-sagutin mo. Wala kang utang na loob, Amber. Sige, kung yan ang gusto mo, ibibigay ko sayo. Wala na kong pakelam sayo, ayan ang gusto mo diba? Hindi na rin kita anak.. Itinatakwil na kita. Sana maging masaya ka sa desisyon mo." sabi niya at umalis na.

Ako, ito.. Naiwan umiiyak..

Ang sakit..

Alam ko naman na kasalanan ko. Hindi ko to ginusto, kung alam nya lang..

"AAAAHHHHHH." sigaw ko habang umiiyak.

Hirap na hirap na ko.. Lahat ng taong nagmamahal sakin, tinataboy ko. Pero diba, si Kris.. Siya ang nagtaboy sakin..

Tangina. Sana mamatay nalang ako para wala ng ganito. Para tapos na. Para hindi na ko nahihirapan.

Bigla naman tumakbo palapit sakin Eli at niyakap ako, "Sshh. Amber.." sabi niya habang hinahagod ang likod ko.

Ayoko na. Pagod na ko. Gusto ko ng sumuko..

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon