23rd Chapter

687 15 0
                                    

Lagi akong tahimik, tulala at hindi makausap ng matino. Ewan ko, nawalan ako ng gana makipagusap sa lahat. Miski sa bahay, ganito rin ako. Mas mabuti ng tahimik kesa may masabi ka pang hindi maganda.

Nasa school ako ngayon. May tinatapos lang akong paperworks. Shet lang kasi. Ang daming paperworks e. Projects, quizzes tapos malapit na rin yung final exam. Shet! Matatapos na ang first sem. Ang bilis. Naaamoy ko na ang sem break at second sem. Oh common!

"Amber, kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala." tumango lang ako. Si Luna lang naman yung nagsalita.

"Look, kung may problema ka, wag mong kaming idamay." napatingin ako sa nagsalita.

"Victoria!" pag suway naman ni Krystal.

"Nakakapikon na kasi. Approach tayo ng approach tapos lagi tayong deadma. Mukha tayong tanga. Seryoso, Amber. Kaibigan mo kami. Hindi lang basta kaibigan, BEST FRIENDS. The hell." sabi niya pa. 

Napatingin ako sakaniya, "Sorry." sabi ko at bumalik sa ginagawa ko.

"Sorry? That's it? Sorry lang? E nakakagago ka naman pala, Amber. Sabihin mo lang kung ayaw mo na ng kaibigan. O kung ayaw mo na kaming makasama. Madali lang naman kaming kausap. Mas mabuti ng sabihin mo kesa iparamdam mo. Mas masakit kasi e." pagkasabi nya nun ay umalis na sya.

"Vic!!!" sigaw naman ni Luna.

"Amber, kung feeling mo nag iisa ka, wag mong isipin yun. We're here kaya. Nakakatampo." sabi ni Sulli at umalis na rin.

"Pasensya ka na sakanila Amber. Siguro nalulungkot lang sila sa pagbabago mo. Sino bang hindi? Miski naman kami ni Luna nalulungkot e. Sige, maiwan ka na muna namin." sabi ni Krystal at umalis na sila ni Luna.

Feeling ko isa isa na silang nawawala sakin. Alam ko naman na kasalanan ko to e. Masisisi niyo ba ko? Walang wala ako nung kailangan ko sila e. Si Henry lang yung nandoon nung mga panahon na yun. Pero miski si Henry tinataboy ko ng palayo sakin. Ewan ko ba. 

Naglalakad ako pauwi ng may mahagip mata ko.

Tangina!

"Amber!"

"Amber! Wait."

Di ko siya pinapansin. Tangina talaga! Bilisan mo pa Amber. Malapit ka na. Malapit ka --

"Amber!" sabi niya sabay hawak sa braso ko. Shet! Naabutan pa ko.

"Iniiwasan mo ba ko?" tanong nya sakin.

"Hindi pa ba halata?" sabi ko sakaniya.

"Ano pa bang kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako?"

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon