22nd Chapter

647 16 3
                                    

"Anong sa tingin mo ang ginawa mo, Amber?"

"H-hindi ko alam."

"Bakit ka pumayag na ganunin ka lang nung babaeng yun?"

"Hindi ko alam."

"Gusto mo na ba si Kris?"

Hindi ako nakasagot. Tiningnan ko lang si Henry. Kanina pa siya naiinis sakin at sa nangyari. Kung sabagay, nakakainis naman talaga yung ginawa sakin. Pero mas naiinis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko lang siyang gawin yun sakin.

"Bakit hindi ka makasagot?" nagulat ako ng bigla syang magsalita.

"Gusto mo na siya?" tanong nya pa.

Umiling ako, "Hindi. Hindi ko siya gusto. At kahit kailan hindi ko siya magugustuhan." pagkasabi ko nun ay parang may kumirot sa dibdib ko.

Ano ba? Tama naman a. Hindi ko siya gusto at hindi ko rin sya magugustuhan. Nang dahil sakaniya, nangyari tong lahat sakin.

--

Kanina pa ko hinatid ni Henry pauwi. Buti nalang wala pa sila Mama. Namamaga pa kasi yung mata ko. Pati yung pisngi ko, feeling ko, namamaga e.

Nandito lang ako sa kwarto ko. Wala akong gana kumain o gumawa ng kahit ano. Gusto ko lang magpahinga.

Sa sobrang pagod ko, di ko namalayan na nakatulog pala ako. Bumangon ako at tiningnan yung sarili ko sa salamin. Okay pa naman ako. Mukha pa kong tao.

Bumaba na ako para kumain. Ngayon ko lang naramdaman yung gutom.

"Ate, may bisita ka." nagulat ako ng magsalita si Meg.

Magsasalita na sana ako kaso naunahan ako, "What happened?" napatingin naman ako sakaniya.

"Meg, labas ka muna. Makipaglaro ka sa mga kaibigan mo." sabi ko kay Meg at lumabas naman siya.

Tumingin ako sakaniya, "Like you care?" sabi ko.

Kumunot ang noo niya, "Of course, I do." sabi niya.

"Talaga? Sinungaling." tinalikuran ko siya.

"Look, Amber. Kaya ako nag punta dito para itanong sayo kung anong nangyari. Tapos susungitan mo lang ako. Wow!" sabi niya.

"Gago ka ba? Sino bang nagsabi na puntahan mo ko? Ako lang ba mapagtatanungan mo? Bakit hindi ka magtanong sa mga nakakita kanina? At sa asawa mo?" pagsabi ko nung asawa agad naman nanlaki ang mata nya.

Lumapit sya sakin at hinawakan ang balikat ko, "Anong ginawa sayo ni Jessica?" sabi niya.

Hinawi ko ang kamay nya sa balikat ko at tinalikuran siya. Hindi ko masabi sakaniya na sinaktan ako ng asawa niya. Lumalabas na kabit ako. Tangna. Hindi ako pinalaki ng magulang ko para maging kabit!

"Amber, answer me."

Hindi ko pa rin sya pinapansin. Pumunta akong kusina kasi kanina pa ko nagugutom.

"Wag mo naman akong gawin tanga at paasahin sa wala, Amber. Sagot mo lang kailangan ko."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.

"Naririnig mo ba yang sinasabi mo, Kris? Huh? Ako pa ngayon ang masama? Sinusumbatan mo ko dahil pinapaasa kita at pinagmumukhang tanga? E tangina mo pala. Anong ginawa mo sakin? Hindi ba't pinaasa at pinagmukha mo rin akong tanga? Asan na yung sinabi mong poprotektahan mo ako? Hanggang salita ka lang pala. Walang wala sa gawa. Umalis ka na bago pa kita ipagtabuyan dito." sabi ko.

"A-amber."

Tiningnan ko lang sya ng masama at saka ako umakyat papuntang kwarto ko. Hindi ako iiyak. Ayoko na. Pagod pa mata ko. Masyado ko ng inaabuso e. Wala akong pake sa kung anong gawin nya doon sa baba. Basta ayoko syang makita.

--

1 week na simula nung nangyari samin nila Jessica. At 1 week na rin syang absent. Buti na yun, para hindi ko sya makita.

"Amber." napatingin ako sa tumawag sakin.

"Bakit?" sabi ko kay Victoria.

"Alis tayo." sabi nya sakin.

"Kayo nalang."

"Omg, Tombs. Come with us na kasi e." sabi ni Sulli.

"Oo nga, Amber." sabi ni Krystal.

"Tara na, Amber!" masiglang sabi ni Luna.

"Ayoko sabi. Kayo nalang." sabi ko at sabay tumayo at lumabas ng classroom.

Ayoko sa lahat pinipilit ako e. Ewan ko ba. Masyado na akong moody nitong mga nakaraang araw. Nag iba na pakikitungo ko sakanila. Lahat apektado.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon