27th Chapter

550 19 0
                                    

3 days after the incident. After on what I heard on Kris' room. Hindi ako pumasok. Tutal kakasimula palang ng second sem, wala pang masyadong gawain. At hindi ko pa kaya na makita si Kris at Jessica. Feeling ko ginamit lang nila ako. Sobrang tanga ko kasi nag pagamit naman ako.

Text ng text sakin sila Vic, nag aalala kung bakit hindi raw ako pumapasok. Sabi ko nalang masama pakiramdam ko. Alam na rin naman nila yung samin ni Kris. Syempre, best friends ko sila kaya sinabi ko sakanila. Masaya sila para sakin. Pero ewan ko nalang kung maging masaya pa sila kapag nalaman nila yung nangyari.

--

Nakakaburyo rin sa bahay pala. Tatlong araw ba naman akong nasa kwarto lang. Lalabas lang ako kapag wala na sila Mama. Tulog lang ako ng tulog. Tulog at kain lang. Feeling ko nga tumaba ako.

Naisipan kong pumuntang park. Yayayain ko sana si Meg kaso sabi ni Mama masyado ng late. 7pm na kasi. Sabi ko naman saglit lang ako. Pumayag na siya.

Nakaupo ako sa isang bench sa park. Ang bigat ng pakiramdam ko. Feeling ko, pasan ko na buong mundo sa sobrang bigat. Wala pa kong sinasabihan ng problema ko ngayon. Gusto ko muna kasing kausapin si Kris. Pero ayaw ko pa syang makita. Gosh! Ganito pala ang feeling.

"Alone?" nangatog naman ako sa nagsalita. Napalingon ako sakaniya. Di ako nagkakamali. Tumango lang ako.

"How are you?" tanong niya.

"Good." sabi ko.

Pero parang gusto kong umiyak. Kahit sobrang nasasaktan ako ngayon, gusto ko pa rin syang yakapin at sabihin sakaniya na, namimiss ko na siya.

"Why you're not attending your class?" tanong nya sakin.

"Paano mo nalaman?"

"I'm always checking your room. I'm always checking you at school. But, no Amber to be found." sabi niya. Napatango nalang ako.

"Iniiwasan mo ko?" tanong niya.

This time tiningnan ko na sya, "Look, Kris. If you don't really love me, or like me even a little, let's stop this. Let's end this. Masyado na kong nasasaktan. Ang daming naaapektuhan." hindi ko na napigilan sarili ko.

"What.. What are you talking about?" nagtatakang tanong niya sakin.

"Please naman. Wag na tayong maglokohan dito. Alam ko naman e, ginamit mo lang ako. Alam kong hindi mo talaga ako mahal kasi hanggang ngayon....." huminto ako sandali at saka nag salita ulit, "hanggang ngayon, si Jessica pa rin mahal mo." napaiyak ako bigla.

Hindi ko na kayang pigilan. Sobrang bigat at sobrang sakit.

"Sorry, Amber. I'm really sorry." sabi niya habang nakayuko.

"Okay lang. Sino ba naman ako para magalit diba? Option mo lang ako. Rebound mo lang ako, kaya wala akong karapatan." sabi ko. Hindi sya nakaimik at nakayuko pa rin.

"Ang tanga tanga ko. Ang tanga ko kasi nag pagamit ako sayo." sabi ko habang umiiyak.

Wala akong pake kung humagulgol ako sa harap nya. Ang sakit kasi e. Sobra.

"Amber."

"Minahal mo ba ako?" tanong ko.

Tiningnan niya ako, "Amber."

"Shet! Putang ina namang buhay to! Ano pa nga bang aasahan ko? Nag ilusyon nanaman ako na kahit konti, KAHIT KONTI lang Kris, minahal mo rin ako. Pero asa pa ko." sabi ko.

Hindi siya makakibo. Iyak lang ako ng iyak sa tabi niya. Gusto ko syang sampalin, sapakin, sakalin, lahat na. Pero di ko magawa. Hindi ko sya kayang saktan.

"Sige, bumalik ka na kay Jessica. Ayos lang sakin. Pero sana, wag mo na kong guguluhin, wag mo na kong kakausapin. Yun lang Kris, yun lang." sabi ko at tumayo na.

"Salamat din pala. Kasi kahit minsan, naramdaman kong may nagpapahalaga rin pala sakin. Pinaniwala ako na kahit ganito lang ako, kaya rin pala akong mahalin. At kaya ko rin magmahal. Kahit peke lang yun lahat. Naging masaya ako. Hanggang dito nalang talaga siguro." sabi ko at umalis.

Habang naglalakad ako palayo kay Kris, ramdam na ramdam ko yung sakit. Yung sakit sa mga sinabi ko. Lalo na nung pinakawalan ko siya. Kahit labag sa loob ko, kung hindi naman talaga ako ang mahal niya, wala na kong magagawa. Ayokong ipilit at ipagsiksikan ang sarili ko sa taong ayaw naman sakin.

Alam ko, lahat ng to lilipas din. Lahat ng sakit mawawala rin. At makakamove on din ako. Dadating ang araw na tatawanan ko nalang ang lahat ng ito. Pero ngayon, masasabi ko lang sa sarili ko, nagmahal ako ng totoo.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon