15th Chapter

712 19 1
                                    

KRIS' POV

Ilang araw na kong kinukulit ni Jessica. Ilang beses ko na rin sinabi sakaniya na hindi na magbabago desisyon ko. Pero hindi pa rin siya sumusuko. Hanggang university nga, sinundan ako. Tsk.

Nakakapagod din. Sabi ka ng sabi, pero hindi naman sya nakikinig. Ayaw pala niyang makinig. Hindi ko na nga alam gagawin ko e. Kung kailan ayaw ko na? Kung kailan nakamoved on na ko, saka siya babalik? 

Hindi ko naman kayang pilitin yung sarili ko na gustuhin siya ulit. Tama na. Natuto na ko. Ayaw ko ng balikan yung mga araw na naging tanga ako dahil sakaniya.

FLASHBACK

"Jessica, wag mo kong iwan." nag mamakaawa ako sakaniya.

"Kailangan, Kris." 

"Bakit? Hindi mo na ba ako mahal"

"Hindi naman sa ganun."

"EH ANO? BAKIT MO GINAGAWA SAKIN TO?"

Hindi sya nakasagot. Umiiyak lang siya.

"Wag mo kong iyakan, Jessica. Sabihin mo yung dahilan. 

"H-hindi pwede."

"Tangina naman oh! Anong gusto mong gawin ko, manghula?"

"K-kris."

"Please naman, Jessica. Wag mong gawin sakin to! Pinakasalan naman kita diba? Kaya naman kitang buhayin e. Magsisikap ako, Jessica. Kilala mo naman ako diba? May isang salita ako."

"Tama na, Kris. Babalik naman ako e. Hindi ko naman sinabi na maghiwalay tayo."

"Ganun na rin yun, iiwan mo ko."

"Hindi sa ganun. Kailangan ko lang tong gawin."

"Bakit nga? Ipaliwanag mo sakin."

"Balang araw, Kris. Maiintindihan mo rin ako. Balang araw."

At umalis na sya. Kasabay ng pag alis niya, ay ang pag patak ng mga luha ko. Ang sakit. Sobrang sakit. Parang pinatay yung puso ko.

END OF FLASHBACK

Hanggang ngayon, napapaisip ako. Bakit niya kaya ako iniwan? Pero pinipilit ko nalang yung sarili ko na wag ng alamin. Kasi baka hindi ko mapigilan yung sarili ko, at muli syang mahalin.

Sa totoo lang, hindi naman mahirap mahalin si Jessica. Napakasimple niya, napakabait, mahinhin at maganda. Nasakaniya na lahat ng katangian ng babae na gusto ko. Kaya hindi ako nahirapan na magustuhan siya.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon