36th Chapter

480 14 7
                                    

"Jessica." sabi ko..

"Long time no see, Amber." kinilabutan ako sa boses nya. Bakit nag iba aura ni Jessica. Weird pero natatakot ako sakaniya..

"Hindi mo naman sinabi na dadalaw ka, edi sana hindi na muna ako pumunta." sabi niya.

"H-hindi. O-okay lang. Paalis na rin naman kami. Sumilip lang ako." sabi ko.

"Talaga? Akala ko magtatagal ka dito." sabi niya sakin.

"Hindi. Sige, alis na kami." sabi ko sakaniya.

"Sandali lang Amber." pag pigil sakin ni Jessica. "Gusto pa kita makausap." sabi niya pa. Nagulat ako kaya napatango nalang ako.

---

Nandito kami ngayon sa canteen ng hospital. Tubig lang binili ko. Wala akong gana. Kinakabahan kasi ako sa kung anong sasabihin sakin ni Jessica. Feeling ko, hindi maganda e.

"Paano mo nga pala nalaman na na-coma si Kris?" tanong niya sakin.

Nakayuko ako ng bahagya at saka siya sinagot, "May pumuntang kaibigan sa bahay namin." sabi ko sakaniya.

Tumango lang siya. Ang awkward. Huling usap namin ay yung naghiwalay kami ni Kris dahil sakaniya. E naghiwalay din naman sila dahil sakin, so quits lang!

"Kamusta ka naman pala? Bakit hindi na kita nakikita sa school?" tanong niya sakin.

"Huh? Ah. Stop ako ngayon e." sagot ko naman.

Napatingin siya sakin. Medyo nagulat siya sa sinabi ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Naglayas ako samin." Sagot ko saka uminom ng tubig.

"Kumakalat sa school na nagtanan kayo ni Kris." sabi niya.

"ANO?" nagulat ako kaya napasigaw ako. "Sorry." sabi ko nalang.

"Natatawa nalang ako at medyo naiinis sa pinapakalat nilang balita. Hindi nila alam comatouse si Kris." sabi ni Jessica.

Nalungkot naman ako. Wala pala talagang may alam.

"Bakit walang may alam?" tanong ko bigla.

"Pinakiusapan ako ni Tita na huwag kong sasabihin kahit kanino ang nangyari kay Kris. Pumayag naman ako. Kaya hanggang ngayon palaisipan sakanila kung nasaan si Kris." sabi niya. Tumango tango nalang ako.

"Ikaw, bakit ka naglayas?" tanong niya sakin.

"Pag tapos namin maghiwalay ni Kris, napariwa ako. Nawalan ako ng gana sa buhay ko. Yung pang tuition ko, nilustay ko lang kung saan. Naglayas ako. Nag away kasi kami ni Mommy. Nalaman kasi niya yung mga ginawa ko." sabi ko.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon