16th Chapter

701 20 5
                                    

Lahat kami napanganga sa sinabi ni Jessica? A-asawa? So, totoo nga yung sinabi sakin ni Kris. 

"Sica, please! Calm yourself down." sabi nung kaibigan nya. Tiffany ata pangalan.

"What? You want me to calm down? E nilalandi na nito yung asawa ko, e." sabay turo sakin.

Di ako nakaimik. Pero wtf? Nilalandi ko si Kris? Seryoso? Putsa! Magsama pa sila nun e.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Krystal, "Excuse me, Miss transfer. Kung makaparatang ka naman. May ebidensya ka ba na nilalandi nya si Kris? And F.Y.I., si Kris yung lumalapit kay Amber, hindi si Amber." sabi niya.

Di ko alam sasabihin ko, nakatanga lang ako doon. 

AMBER, ano ba? Wake up! Speak for yourself!

"Really? Hindi niya nilalandi? Ha Ha. Patawa ka, Miss. And si Kris yung lumalapit? Ilang tawa ba gusto mo? Kanina ka pa nagpapatawa." sabi ni Jessica.

"Sica, stop it! Mahiya ka nga!" sabi ni Tiffany.

"Shut up, Fany!" sabi naman ni Jessica. Napatahimik yung Tiffany.

"Hey! You just transferred here for how many DAYS! And ganyan ka na umasta! Kung sigawan mo naman best friend ko. Bakit, WHO YOU BA?" asar na sabi ni Sulli.

Tumayo na ako. Hindi dapat nadadamay mga kaibigan ko rito.

"Jessica, hindi ko alam kung bakit nagseselos ka samin ni Kris? Seryoso ka dyan? Eh halos isumpa ko na yung mukha at ugali nung Kris na yun. Alam mo ba yun? Malamang hindi. Tss. Kaya siguro ayaw na sayo ni Kris kasi masyadong makitid yang utak mo." sabi ko sabay alis.

Nakakayamot yung ganun. Okay lang na ako sigawan nya, pero yung idamay nya mga kaibigan ko, ibang usapan na kasi yun. Di ko na alam nangyari sakanila. Nandito ako sa park. Umalis na ko sa school. Masyado ng masikip doon. Ang hirap huminga.

"Miss Lopez, what are you doing here?" sino pa ba? Siya lang tumatawag sakin ng Miss Lopez. -_-

"Pake mo?" sabi ko.

"Ayan ka nanaman sa pagiging masungit mo. Can you at least act as if you're happy to see me?" sabi niya.

Ano raw? ACT THAT I'M HAPPY TO SEE HIM? AY! GAGO BA TO? -_-

"Tanga ka ba? Hindi pa ba obvious na AYAW KO SAYO?" sabi ko sakaniya.

Naupo naman sya sa tabi ko. Aba! "Obvious na obvious nga, Miss Lopez." sabi niya.

"Yun naman pala, e."

"But.... I can't avoid you.." pagtapos niyang sabihin yun, bigla syang tumayo at umalis.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon