13th Chapter

850 18 2
                                    

Natapos na yung last subject namin, pero walang Jessica na bumalik. Kahit anino o hibla man lang ng buhok, wala. Anong nangyari doon? Baka na-rape na ni Kris?! Jusko! Ano ba naman tong iniisip ko >.< Eh kasi naman e. Tama na nga. Kanina pa ko lutang dito dahil sa dalawa.

"Bye, Ambs." sabi ni Sulli.

"AMBER! Hindi Ambs. Corny -_- Ge." sabi ko. Nag pout naman si Sulli.

Konti nalang puputulin ko na nguso nito e.

"Hep! Hep! Walang uuwi. May meeting daw tayo sa Art Club." sabi ni Krystal. Talagang devoted sya dyan sa club na yan. Like, hello! -_- "And you, Ms. Amber Lopez, hindi ka uuwi! Sasama ka samin. Dalawang beses ka ng absent! Baka gusto mo naman um-attend?" sabi pa niya. -_-

"Wag ka ng tumanggi. Sama ka na samin." nakangiting sabi ni Victoria.

"Wala naman choice yang si Amber e. Hahaha." sabi naman ni Luna.

"Ano pa bang magagawa ko? Tara na nga." sabi ko nalang. 

Kahit sobrang tamad na tamad ako, wala e. Sa totoo lang, gusto ko na talaga mag back out dyan sa club na yan! Eh taragis! Ano bang mapapala ko dyan? Lalo naman sakin, walang mapapala yang club na yan. Wag na sila umasa -_-

"Wait, let's go to the comfort room muna. I'm pee na kasi e." who else? Edi si conyo queen -_-

"Bilisan mo. Baka isang oras ka nanaman bago lumabas." sabi ko.

Siniko naman ako ni Victoria, "Ikaw talaga, Amber. Hayaan mo na si Sulli." sabi niya sakin. "Go, Sulli. Dito nalang muna kami." sabi nya pa.

Bakit sila natitiis nila pag kamaarte at pagiging conyo ni Sulli? Ako, hindi ko talaga matagalan. Sakit sa ulo -_-

O_______O

"Jessica."

"Ano, Amber?" sabi ni Luna.

"Ah wala." sabi ko.

Nakita ko... Hindi ako nagkakamali.. Si Jessica yun.. Oo... Pero bakit parang umiyak siya? Parang namamaga yung mata niya? Tama ba ko? O namamalikmata lang ako? Hays.

"Hoy, Ambs! Let's go na! Nakatulala ka pa e." nagulat ako. Nandito na pala sila Sulli. 

Sobrang nao-occupy ni Jessica utak ko! Sobrang weird niya. Isama mo pa si Kris. Anong meron sakanila? Gusto ko talagang malaman. 

Nandito na kami sa room kung saan nag mi-meeting yung mga members ng Art Club. At nandito rin si Key, kinukulit si Luna. Isa pa to, e. Akala ko bakla. Takte! Eh kulang nalang, ingudngod nya mukha nya sa mukha ni Luna e. Mga adik na mga tao ngayon..

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon