11th Chapter

827 16 0
                                    

Lunes ngayon at ngarag na ngarag ako. Ewan ko. Parang pagod na pagod ako. Di ko malaman ang dahilan. Sobrang sakit ng ulo at katawan ko. E nung sabado pa yung party ni Mama. Kahapon, pahinga lang talaga ginawa ko. Pagtapos namin mag simba, natulog lang ako. Gumising lang ako para kumain at maligo.

Nandito lang ako sa classroom. Wala pa naman prof. Maaga ako ng 20 minutes. At wala pa rin yung apat. Asa pa ko doon. Kung hindi late, dadating ng mas maaga sa prof. Mga 5 minutes lang. -_-

"GOOD MORNIIINNNNGGGGG!!!!!" sigaw nung babae. Pag lingon ko..

"Aga aga ang ingay Luna." sabi ni Key. Classmate namin. Crush ni Luna yan kaso mukha raw babae. Mas mukha pang babae sakaniya. Haha.

"So? Takpan mo tenga mo kung ayaw mo marinig." sabi naman ni Luna. Napailing nalang si Key.

"Hi, Amber. Mukhang puyat na puyat ka ah?" sabi niya sakin.

"Di ah. Nasobrahan lang ako sa tulog." sabi ko naman.

"Ah. Kumain ka na? Tara punta tayong caf. Maaga pa naman." sabi niya. Tumango nalang ako. Nagugutom din ako. 

---

[CAFETERIA]

"Girl, feeling ko may crush sakin si Key." sabi niya

O_____O

"Lamig." sabi ko.

"Huh?" di nya ako nagets.

"G-aga! Ang hangin. Kalma ka lang sa self confidence mo." sabi ko.

Hinampas naman niya ako. "Sama mo! Feeling ko lang naman. Kasi, last week pa yun nagpapapansin sakin. Promise!" sabi niya sabay taas ng kanang kamay niya.

Ewan ko. Kapal ng mukha ni Luna. Pasensya na kayo.

"Ge, paki explain nga." sabi ko sakaniya.

Di ko na maintindihan tong si Luna. Nag hahallucinate na ata? Oh baka hindi nakainom ng kape kaya hindi kinakabahan. -_-

"Ganito kasi, diba last week nasa Art Club kami, tapos nagulat ako ng bigla syang pumasok doon at nagpakilala bilang bagong member. I mean, wala akong kaalam alam na mahilig pala sa Art yun. Tapos tumabi pa sya sakin. Lahat nalang ng ginagawa ko, napapansin niya. Like! Hello! Wtf diba? Yung bantay sarado ako sakaniya. Lahat nalang ng kinikilos ko, minamata nya. Lahat nalang may side comment. Gahd! Sumasakit bangs ko sakaniya. Tapos pag makakasalubong ko sya, titingnan nya ko hanggang sa tingnan ko rin sya. Yikies! Ang creepy niya. Yea! Crush ko siya, pero DATI lang yun. Kasi nga diba mas mukha syang girl sakin. Di ko matanggap. Naku, Amber! Basta marami pa. Feeling ko stalker ko sya e. Harhar! I'm so pretty." sabi niya.

In fairness, naintindihan ko sinabi niya.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon