9th chapter

955 20 1
                                    

Nandito kami ni Papa ngayon sa grocery. Namimili kami kasi bukas birthday na ni Mama. Parang ang bilis no? Nung nakaraan lang, nag paplano pa kami. Tapos bukas, birthday na nya.

Si Meg saka si Mama nasa parlor. Ganun naman yun. Bago mag birthday niya, pumupunta syang parlor. Sinasama nya ko, pero ayaw ko. Maghihintay lang ako doon. Sila nalang ni Meg ang mag sama. 

Ang daming pinamili ni Papa. Akala mo may fiesta. "Pa, ang dami naman nito. Marami ka bang bisita?" tanong ko sakaniya. Hello! Tig isa kaming cart wheel ni Papa. Normal pa ba yun? 

"Hahaha. Oo, Ber. Marami ng tinawagan si Papa. Marami na tayong kasabwat." sabi niya sabay ngiti.

Ito talagang si Papa. Bilib na ko sakaniya. Sobra niyang mahal si Mama. Lahat gagawin niya mapasaya lang si Mama pati kami, syempre.

***

Nakauwi na kami ni Papa. Sobrang pagod. Ang dami naming dala. Buti wala pa sila Mama. Kung hindi lagot na. Saka sinabihan na rin naman si Meg na ilibot muna si Mama sa mall. Bahala sila mag bonding. Hahaha.

Sabado bukas. Buti nalang walang pasok. Kung itatanong niyo kung ayos na kami  nung apat, okay lang. Civil. Kunwari hindi kami magkakilala. Ganun kalala. -_-

Ewan ko, pero namimiss ko na sila. Ilang beses na akong nag attempt na tawagan o pansinin sila, kaso may biglang pumipigil sakin. Hindi ko alam. Baka kasi dapat sila talaga ang unang mamansin. 

Lagi kong kasabay si Henry. Sumasakto kasi pag lunch break e. Buti na rin yun, hindi ako loner. Dalawang meetings na rin ang hindi ko naa-attend-an sa Art Club. Wala naman akong pake doon. Kung tutuusin, pinilit lang ako nung apat. Kaya wag na dapat sila mag taka. Saka anong gagawin ko doon? Tutunganga? E diba nga hindi kami ayos nung apat. -_-

Masyado naman akong ma-drama. Hindi bagay sakin. 

"Ber, puntahan mo naman ang Tita Shane mo, sabihin mo na pumunta sila dito bukas ng mga anak niya. Alam na niya yun. Nasabihan ko na sya sa details." sabi ni Papa.

"Bakit pa, Pa?  Nasabihan mo nanaman pala, e. Tama na yun." sabi ko. Like DUH! Ayokong pumunta sa bahay nila. -_-

"Ber, papaalalahanan mo lang. Bakit? Big deal sayo? May gusto ka siguro sa anak nun?" pang aasar ni Papa.

"PAPA! Tss. Oo na, pupunta na." sabi ko. muntik ko ng mabagsak yung pinto sa inis. Itong si Papa, mang aasar pa. -_-

Nandito na ko sa tapat ng bahay nila. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o ano. Hays. Bahala na.

Kakatok na sana ako nang... "ATE! Omg, what are you doing here? Are you looking for my Ku--" pinutol ko yung sinabi niya. Mukhang alam ko na kasunod e.

"Ah. Nandyan ba mama mo? May pinapasabi lang kasi si Papa." sabi ko tapos nginitian ko siya.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon