38th Chapter

470 16 0
                                    

Parang kahapon lang kasama ko pa siya.

Parang kahapon lang nakatitig pa ko sakaniya habang siya natutulog.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

"Hoy! Sigurado ka ba? Baka naman mali ka ng intindi. Naku, te! Majojombag talaga kita!" narinig kong sabi ni Eli sa nurse.

"Opo, sir. Kagabi pa po nilipat ng ospital si Mr. Bermudez. Nagulat nga rin po kami e." sabi naman ng nurse.

Lalo akong nanghina. Ito na nga lang yung tanging paraan para makita at makasama ko siya, pinagkaila nanaman sakin. Ganun ba talaga ako kasama?

Wala kaming nagawa ni Eli kaya umuwi nalang kami. Hindi kami binigyan ng information nung nurse dahil mahigpit daw na ipinagbilin sakanila na bawal sabihin kahit kanino. Kahit sakin.

Parang may tumusok nanaman sa puso ko. Akala ko okay kami ni Tita, e. Siguro nga naisip niya rin na ako talaga ang may kasalanan kung bakit nagkaganun si Kris kaya inilayo na nya sakin.

Pero kagabi lang magkausap pa kami. Nagbago bigla isip niya? Imposible naman ata..

"Te, tama na kakaisip. Mahahanap din natin si Kris." sabi ni Eli.

Tumango nalang ako at umakyat sa kwarto ko.

Nadoble yung sakit. Hindi ko kaya.

Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko pero di ko pinansin.

"Sis, tutulungan na muna kitang hanapin si Kris. Irere-sched ko nalang ang pag alis ko." sabi sakin ni Eli.

Napatingin ako sakaniya at tumayo, "Ano ka ba. Marami ka ng naitulong sakin. Alam kong matagal mo ng gustong mag abroad para mag aral. Ito na yun o. Okay lang sakin." sabi ko sakaniya.

Nagpaalam sakin si Eli na kukunin siya ng tita niya para pag aralin sa ibang bansa. Next week na alis niya. Nakakalungkot pero masaya ako para sakaniya. Matagal na niyang pangarap na mag aral sa ibang bansa at maging isang kilalang fashion designer. Ayoko naman sirain ko yung pagkakataon na yun dahil lang sa paghahanap ko kay Kris.

"E sis, wala ka ng kasama dito." sabi niya.

"Uuwi na ko samin." sabi ko sakaniya.

---

Nandito ako sa tapat ng bahay namin. Nagdadalawang isip kung kakatok ba o aalis nanaman. Hindi ko na sinama si Eli. Busy din siya dahil nag aasikaso siya ng mga papeles niya. Ilang araw nalang aalis na siya. Hays.

Buo na ang pasya ko, hihingi na ko ng sorry kina Mama. Kakatok na sana ako nang bumukas ang pinto..

"Amber." sabay yakap sakin.

BABAE AKO di lang halata (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon