UNA

16 1 0
                                    

UNA(1)

Therese POV

Nakakarinding ingay ang gumising saakin na ng gagaling sa aking alarm clock. Papikit-pikit pa ang aking mata habang kinakapa ko iyon. Nang aking makapa ay binato ko iyon sa kung saan man at pumikit ng muli.

Wala pang ilang minuto ay nakaramdam ako ng pag-galaw ng aking kama. Agad kong minulat ang aking mga mata at tumingin sa kabilang dulo. Nagulat ako ng may makita akong litrato.

Kinuha ko iyon at tinignan. Hindi ko makilala ang taong nasa litrato siguro ay dahil na rin sa blur ito.

Nagulat ako ng may pumatak na dugo dito. Tinignan ko ang kisame,patuloy ang pagpatak ng dugong galing dito.

Hanggang sa may pumatak sa dulo ng aking ilong,umagos ito hanggang sa mapunta sa aking mga labi. Nalasahan ko ang tamis nito.

Unti-unti akong nakakakita ng mga pangyayari sa aking paligid. Isang grupo ng babaeng nagpipicture kung saan ang babaeng nasa dulo ang may hawak ng camera, ngumiti silang lahat at pinindot ng nasa dulong babae ang button.

Excited nila itong tinignan, pero laking gulat nila ng blur ito. Hanggang sa nag iba na ang lugar na nakikita ko.

Isang nakakatakot na lugar,napakadilim. Isang tao lang ang narito.

"Uhm.. ate?" Tawag ko rito, pero hindi n'ya ako pinansin. Takot na takot ang itsura nya, hinihingal din sya na tila ba ay may humahabol sakanya.

Tumingin sya sa may likod ko kaya napatingin rin ako. Walang kahit na sino ang nandito.

"Tama na.. ayoko na..." takot na sabi nya habang umaatras. Binilisan pa n'ya ang lakad n'ya hanggang sa naging takbo na ito.

"Ahhhhh!" Nakakabinging sigaw ang narinig ko.

Unti-unting naghiwa-hiwalay ang parte ng katawan nya habang nababalot ang mga ito ng dugo. Hindi ko man lang makita kung sino ang may gawa non.

Nagulat ako ng may sumulpot na maskara sa harapan ko, LUMULUTANG ITO!. Umangat ang dulo ng mga labi nito. Isang ngiti na pinakawalan nito. Hanggang sa bumukas ng napakalaki ang kanyang bibig.

"AHHHHHH!" Sigaw ko at dumiliw na ang lahat.

BLURWhere stories live. Discover now