APAT

16 0 0
                                    

APAT(4)

Patuloy akong naglalakad kahit alam kong wala itong patutunguhan. Hinang-hina na din ako dahil sa gutom maging ang mga mata ko ay papikit-pikit na din dahil sa antok, namatay na din ang cellphone ko.

Sa lagay kong ito ay hindi ko alam kung makakalabas pa ba ako ng ligtas sa lugar na ito. Isa itong gubat at paniguradong mayroong mababangis na hayop dito at nagpapasalamat ako dahil wala pa akong nakakadalubong.

Habang naglalakad ako ay nakaramdam ako ng sobrang panghihina, maging ang nakikita ko ay nagdadalawa na din. Ilang segundo pa ay hindi ko na maigalaw ang aking paa na naging dahilan upang mapaupo ako.

Hinang-hina na ako at hindi na ako makatayo pa. Sinubukan ko din na humawak sa puno upang maging gabay ko sa pagtayo pero patuloy pa din akong bumabagsak sa lupa.

Ramdam ko rin na malapit ng bumigay ang mga mata ko at ano mang oras ay maaari akong mawalan ng malay. Nakarinig ako ng kaluskos kaya naging alerto ako sa paligid.

Heto na ba ang katapusan ko?

Luminga-linga ako sa paligid pero wala akong kahit anong nakita. Tumigil na din ang pagkaluskos kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hanggang sa napatingin ako sa harapan ko.. Hindi ko alam kung dala ba ito ng antok o ano man pero gusto kong tumakbo sa nakikita ko ngayon ngunit wala na akong lakas pa para gawin iyon.

Bago tuluyang bumigay ang mga mata ko ay nakita ko ang pag-angat ng dulo ng labi nito.

ISANG NGITI NANAMAN ANG PINAKAWALAN NG MASKARA!

☆☆
"Ganda n'ya kapag tulog"
"Oo. Tulog lang tss."
"Sungit. Selos ka lang sakanya"
"Sira ulo!"

Nagising ako sa ingay ng paguusap ng nasa paligid ko. Unti-unti ko pang binuksan ang mga mata ko at puro puti lang ang nakikita ko. Hospital. Nasa hospital ako ngayon.

"My GOSH! BESTFRIEND! Sa wakas nagising ka na!" Sabi nito at niyakap ako.

"Saan ka ba galing huh?" Hindi ko nalang pinansin ang tanong nito.

"Nasaan ang mga damit ko?" Tanong ko ng mapansin na nakasuot na lamang ako ng hospital gown.

"Here" abot nito saakin.

Kinapa ko ang mga bulsa ng jacket at ng pantalon ko umaasang makikita ko pa ang camera na inilagay ko doon.

Pero wala na ito.

Nasaan kaya?

"Ano bang hinahanap mo?" Tanong ni Gleir na bestfriend ko.

"Nevermind" halos bulong na sabi ko at bumuntong hininga na lang. Sumuko nalang din ako gawa ng hindi ko alam kung panaginip lang ba iyon o ano. Hindi ko na rin inabalang itanong sakanila kung paano ako napunta dito dahil panigurado na tatadtarin ako ng tanong ng mga ito.

Mga ilang oras din ay umalis na sina Gleir at ang boyfriend nito dahil sa may kailangan daw silang tapusin. Sakto din naman na narito ang laptop ko at ang broadband.

Binuksan ko ito at kinonect sa internet.

Binuksan ko ang site ng google at tinype ang "What are the reasons behind every blur pictures?"

Pero puro matinong eksplenasyon lang ang nakita ko.

Hanggang sa isang article ang pumukaw ng atensyon ko.

"Behind every blur pictures is a brutal death"

BLURWhere stories live. Discover now