Dalawampu't dalawa

8 0 0
                                    

Dalawampu't dalawa (22)

Therese POV

"Shane? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan?" Katulad ng kanina ay ang lamig pa din ng pakikitungo niya.

"Namiss ko lang kasi si Heilly. Anyway may nakita ako dito--" agad niyang inagaw yung litrato na naging dahilan ng pagkabigla ko.

"Saan mo nakita to?" Asar na sabi nito. Napansin kong nakayukom ang kamay nito.

"Nakita ko kasi yung diary niya" pagpapaliwanag ko sakanya pero tinignan niya lang ako. Ano bang nangyayari kay Shane? Saaming tatlo?

Bakit ba nangyayari ito sakin? Saamin?

"Wag mong sayangin ang pagkamatay niya" sabi nito at lumabas na ng kwarto. Ano ba ang alam ni Shane? Bakit ba hinahayaan nila akong walang alam sa lahat?

Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si James na nagbabasa ng libro.

"Ano yan?" Tanong ko dito.

"Wala." Sabi nito at umalis na. Ano bang problema nilang dalawa? Bakit ba pakiramdam ko ay iniiwasan nila ako? Bakit ba ang lamig ng pakikutungo nila sakin?

Ano nga bang inaasahan ko? Namatayan na nga kami magsasaya pa kami?

Nagtungo na lamang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Naiwan akong nakatingin sa kisame. Tila ba dito ko mahahanap ang sagot sa mga tanong ko.

Parang mas gusto ko pa noon. Kumikilos ako ng magisa. Walang nadadamay. Handa akong mamatay kahit ako nalang. Ayoko na makita silang unti-unting nawawala saakin habang unti-unti din akong napapalapit sakanila.

Hindi ko napansin na may tumulo na palang luha sa mga mata ko. Unang pagpatak ng luha dahil sa mga nararanasan ko. Magkahalong pagod at sakit.

Pagod na ako sa lahat pero hindi ko alam paano ko matatapos. Bakit ba kasi kailangan ko pang mabuhay? Bakit ba kasi nacurious ako sa mga bagay bagay. Bakit ba hindi ko nalang hinayaan ang lahat?

Sa palagay ko. Kailangan ko ng kumilos mag-isa nang wala na akong madamay pa.

Bukas na bukas din ay aalis na ako.

~~~~
Kinabukasan..

Shane POV

Bakit pa ba niya kailangang malaman ang lahat? Heilly.. sana nandito ka nalang at ng malaman ko lahat ng gagawin ko.

Nang malaman ko kung ano ang ikikilos ko. Mali ba ang pakikitungo ko kagabi sakanya? Pero.. ayoko lang namang masayang ang pagkamatay ni Heilly.

"Kapag namatay ako. Huwag mong hahayaang may matuklasan si Therese sa pagkatao nya. Ayokong agad na mangyari ang nasa propesiya. Hindi pa ito ang tamang panahon upang malaman niya ang lahat" Sabi ni Heilly bago kami pumunta sa burol ng kaibigan ni Therese.

"Siya ba ang anak?" Tanong ko kay Heilly ng nga panahong iyon. Tanging ngiti lamang ang isinagot niya saakin.

Pero tulad nga ng sinabi ni Heilly ay ganoon ang ginagawa ko ngayon. Nararapat na magingat kami ni James dahil baka kami na ang susunod.

Naisipan kong puntahan si Therese sa kwarto nito upang humingi ng tawad sa inasal ko kahapon. Masyado akong nabigla sa mga pangyayari alam kong marahil ay nasaktan ko siya sa mga nasabi ko.

Marahil ay iniisip nyang hindi na sya mahalaga saakin.

Habang papalapit ako ng papalapit sa kwarto nya ay sya namang pagbilis ng tibok ng puso ko. Kinakabahan akong makita sya. Maaring galit ito saakin ngayon.

BLURHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin